CHAPTER 47: UNTITLED

723 14 0
                                    

"Akala ko ba papatunayan mo pa ang sarili mo?" natatawang tanong ko. habang nakayakap sa mga braso niya.

"Later love, later." he teasingly said while looking in my eyes. "but for now I'm still fixing things out."

"Ano ba kasi yan?" nagtatakang tanong ko.

"It's for me to know love, but I promise to you that i will do anything to punish them." seryusong saad nito.

"Okay na ako drake, okay na tayo Hindi na kailangan yan." nakangiting saad ko habang matiim na nakatingin sa mga mata niya.

"Let me do this love, for now just sit and take a rest and let me serve my queen." napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Loko to!" natatawang saad ko. "by the way drake, aalis na ako bago mag alas nuebe baka mapagalitan ako ni tatay."

"Hatid na kita." he offered but I refuse.

"Wag na magpahinga kana lang mas kailangan mo yun." nakangiti kung saad saka siya kinindatan.

"I insist, baka ano pang mangyari sayo dyan sa labas."

"Okay, okay I surrender po." natatawa kung saad saka umaktong parang sumosuko.

"That's more like it." pagsasakay niya sa trip ko saka nagsalita ulit. "So paano tara na."  saka inilahad ang kamay niya sa akin na siya namang tinggap ko.

nagkukuwantohan lang kami sa sasakyan hanggang sa makarating na kami sa bahay. baba na sana ako ng mauna siya atsaka binuksan ang pinto ng sasakyan kung nasaan ako naka upo.

"Wow ang gentleman naman." pagbibiro ko pa.

"I told you I will prove my self to you." nakangiti saad nito sa akin saka ako kinindatan.

"Well thank you Mr. Montefalco."

"Pumasok kana, Alexa baka hinihintay kana ng mga magulang mo." seryusong saad nito sa akin.

papasok na sana ako sa bahay namin ng tinawag niya ako ulit.

"Alexa." napalingon naman ako sa kanya tinaasan ko siya ng kilay kaya sumenyas naman siya na pinapabalik ako saka nagsalita. "let me hug you love." matamis na sabi nito sa akin.

niyakap niya naman ako saka hinalikan sa noo. sigi inaamin kona kinilig ako doon pero kailangan natin kumalma at wag magpahalata.

"babalik ako love, wait for me okay?" seryusong tanong nito sa akin nakinatango ko nalang. dahil walang nagsalita sa aming dalawa pagkatpos non kaya I decide to break the silence.

"Good night Drake."

"Good night love, pumasok kana doon sweet dreams." nakangiti sabi nito sa akin.

Isang tango lang ang isinagot ko sa kanya saka naglakad papasok  tiningnan ko pa ang puwesto niya pero nandoon padin siya nakatayo at naka sandig sa sasakyan niya. mukhang Hindi talaga siya aalis kung hindi ako papasok.

halos mapalukso ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si nanay na naghihintay sa akin.

"Nay naman pinakaba niyo ako doon."  napahawak ako sa dibdib ko habang nakasandig sa pinto.

"Ako ang pinakaba mo anak, ano yun?" nakangiti tanong ni nanay sa akin.

"Wala po yun nay." Hindi ako makatingin sa mga mata ni nanay kasi para itong lie detector na malalaman kung nagsisinungaling ba ako hindi. "Nay naman wag niyo naman po ako tingnan ng ganyan."

"Naku! ikaw talagang bata ka ang sabi ko makipag peace ka pero ang ginawa mo nakipag landian ka, ikaw talagang bata ka!"

"Nay naman, Hindi po kasi ganuon yun." pagtatanggol ko sa sarili ko kahit alam ko naman sa sarili ko na tama si nanay.

"Wag monang ipagtanggol yang sarili mong bata ka."

"Sabi ko nga po." natatawang saad ko.

"Pero anak, Masaya ako para sayo kitang kita ko ang saya sa mga mata mo habang kasama siya." malumanay na sabi sa akin ni nanay.

"Salamat po nay. salamat sa lahat ng advice niyo sa akin, salamat po sa lahat ng sakripisyo at ginawa niyo para sa akin." nakangiti kung saad kay nanay.

"Naku! wag tayung mag drama dito halikanat pumasok sa kwarto mo at matulog na tayo." nakangiti sabi sa akin ni nanay saka naglakad na sa kwarto niya.

"Good night nay."

"Good night din at siya matutulog na ako."

nakangiti akong pumasok sa kwarto ko habang napahawak sa noo kung hinalikan ni Drake. kay sarap matulog habang pinapaginipan  siya. buong gani siya lang ang iniisip ko hanggang sa nakatulog ako.

"Alexa, gising na at may bisita ka!" rinig kong sigaw ni nanay sa labas ng pinto.

"Nay Mamaya na at inaamtok pa ako." pabalik kong sigaw saka umayos sa pagkakahiga.

"Naku ikaw talagang bata ka! gumising kana at nandito si Drake. ito talagang bata to napaka tamad." napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang pangalan ni Drake.

dali dali akong bumangon saka binuksan ang pinto ma siyang Mali ko. nakalimutan kong konektado lang ang sala at kwarto ko kaya dali dali kung sinarado ulit ng pinto saka humarap sa salamin.

At isa lang ang masasabi ko para akong walang ligo ng isang taon dahil sa buhok kung buhaghag at t-shirt kung napakalaki. nakakahiya paano ko pa haharapin si Drake nito.

"Alexa! lumabas kana dyan at huwag mong paghintayin tong bisita mo!" sigaw ni nanay sa labas.

"Lalabas napo nay." dali dali akong nag ayos at nagsuklay ng buhok.

kaya moto Alexa lalabas kalang naman. kahit nagdadalawang isip ako binuksan ko parin ang pinto.

"Hi!" awkward kung bati sa kanya.

"Good morning Alexa, by the way you look stunning as ever." nakangiti saad nito sa akin pero mukhang iniinis yata ako nito eh.

"Tamis talaga ng dila mong lalaki ka." naiinis kong saad. 

"Anak naman kay aga aga ang init na agad ng ulo mo, sigi nat magkape kana dito" kahit naaasar ako umopo nalang ako at kumain.

"Oh drake anak, kumain kanarin dito sabayan mona tong anak ko." nakangiti saad ni nanay sa kanya nakinangiti din ng lalaki.

"Sigi po nay." kapal talaga ng Mukha ng lalaki to pero okay lang gwapo naman ay naku diyos ko Alexa kumakapal narin ang Mukha mo.

nagpatuloy nalang ako sa pagkain saka hindi siya pinansin.

"Alexa, ipinagpaalam na pala kita kay nanay. mamasyal tayu pagkatapos mong kumain." nakangiti saad nito sa akin.

"Hindi pa nga ako nakakaligo eh, tapos papasyal agad?" nakanguso kung tanong.

"You smells good already, so even when you don't take a bath your still smells good." nakangiti nitong saad saka ako kinindatan.

napapadalas yata ang pagkindat ng lalaki to ah. napanguso nalang ako saka kumain.

"Nga pala Drake, may load ka ba?" kailangan ko palang tawagan si cass matagal tagal narin nong tinawagan ko siya. sigurado akong nag aalala nayun.

"Yes, why?" kita ko ang pagkunot ng noo nito na kinatawa ko nalang. cute.

"Tatawagan ko lang so cass, alam mo namang parang kapated konarin yun kaya sure ako nag aalala nayun sa akin ngayon." pagpapaliwanag ko sa kanyan, wait lang bakit ba ako nagpapaliwanag? ay basta.

"Okay I understand call your friend when you finish eating." seryusong saad nito sa akin.

"I'm done eating drake, ikaw nalang ang Hindi pa, so na saan na ang cellphone mo? pahiram ako." nakalad kamay kung saad.

"Oh ito na."

HIS SEXYTARY (Montefalco's obsession)Where stories live. Discover now