Naawang nakatingin si cassandra sa kanyang kaibigan nakatulala habang nakatingin sa bintana.
"Lex, Kain na. Halika hinanda ko na yung mga paborito mo." Malumanay ang boses ng dalaga habang kinakausap ang kaibigan.
"Cass." Daling-dali napatayo si cassandra saka nilapitan ang kaibigan.
"Ano yun? May kailangan ka ba? Tatawag ako ng doctor, Saan masakit? Saan banda?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga sa kanyang kaibigan.
"W-ala, walang masakit." Nanginginig ang mga labi ng dalaga habang binibigkas ang mga salita na yun.
"Sure ka ba? Wag kang mahihiya sa akin lex, ako lang to. Okay? Ako to si Cassandra." Napangiti ang dalaga habang sinasabi iyun.
"Wag kang mag-alala cass, walang masakit sa akin." Malumanay ang mga tinig nito habang nagsasalita. "Pero, puwede bang wag mong sabihin sa kanilang drake na nakakapagsalita na ako? Gusto ko ng umuwi cass, ayaw kona dito."
Nakaramdam ng awa si Cassandra para sa kanyang kaibigan.
"Anong ginawa nila sayu lex? Huh? Magsalita ka sabihin mo sa akin. Kahit na boss ko yun sinasabi ko sayu hindi ko siya sasantuhin." Nangingibabaw ang galit ng dalaga habang sinasabi iyun.
"Wala. Wala. Ayaw ko lang talaga silang makita pa."
Pinakalma ng dalaga ang kanyang sarili saka tumango.
"Wag kang mag-alala. Lex, tutulongan kita."
Napapikit nalang ng mata ang dalaga habang tumatango. Salamat, Cass.
Alexa Alejandro
"Lex, sure ka bang ayaw mong makita si Drake? Kahit isang sulyap nalang?" Kanina pato si cass, kanina pa tanong ng tanong.
"Ayaw ko muna cass, gusto mo ikaw nalang." Kahit ang totoo iba ang sinasabi ng puso ko. Ngunit kailangan kung maging matapang
"Hay naku! Balaha ka, halika na nga! Mag-impake kana dyan, para ma ihated na Kita sa terminal ng mga bus." Para talagang si nanay tong si cass.
"Mamimiss ko kayu cass, paki sabi nalang sa mama mo, na hindi na ako nakapagpaalam kasi nagmamadali ako. Paki sabi narin na subra akong nagpapasalamat sa kanila. Dahil hindi talaga sila nag atubili na tulongan ako. Salamat Cass." Isang mahigpit na yakap lang ang iginawad sa akin ni cass, saka nagsalita.
"Wala yun, basta mag-ingat ka sa byahe. Wag mona kaming isipin Dito. Okay na kami, okay na okay na."
"Salamat talaga cass." Nakangiti kung usal sa kanya.
"Ay sus! Magmadali kana, baka dumating pa yung tinatakasan mo. HAHA" pabirong saad ni cassandra. Kaya napa lingo-lingo nalang ako.
********
"Lex, sigurado ka na ba? As in siguradong sigurado na?" Naiiyak na tanong ni cass, sa akin.
"Alam mo naman na hindi ako dapat pang mag tagal Dito? Hindi ba? Hindi ako taga dito kailangan ko ng umuwi sa amin. Naghihintay na yung mga magulang ko." Naiiyak kung saad.
"Bibisita nalang ako sa inyu huh? Basta bibisita ako."
"Oo naman bumisita ka, kahit anong oras mong gusto. Pero yung paki usap ko sayu cass, wag mong kakalimutan. Kahit anong mangyari wag na wag mong sabihin sa kanya kung saan ako nakatira. Gusto kung magsimula ng bagong buhay. Ng wala siya." Mahabang sabi ko.
"Oo lex, makaka asa ka sa akin. Mag-iingat ka doon ah?"
"Oo naman. Ikaw din mag-ingat kayu. Aalis na ako." Nakangiti kung paalam. Saka tumalikod.
Malaki ang parte nilang cass, sa aking puso, naging importanti din sila sa buhay ko. Ngunit kailangan kung umalis para magpahangin at linisin ang mga problema na nasa utak ko.
Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na paghinga, saka tumingin sa bintana ng sinasakyan kung bus. Maynila makes me realize not because your in Manila that doesn't mean, na makaka ahon kana sa kahirapan,
Manila though me to be independent, Na hindi oras oras may ma tatawag ka kung nangangailangan ka ng tulong. Sometimes you need to be independent and find a way to solve your problem.
Naka ipon narin naman ako, okay na siguro yun. Atsaka hindi naman siguro mag sususpitya si Drake na sa probensiya ako umuwi, ang alam ni Drake ayaw kung makadagdag sa problema ng mga magulang ko. Atsaka hindi din naman ako mag tatagal doon, hahanap din ako ng bagong trabaho.
"Tubig po. Tubig! Bili na po kayu ng tubig. Masarap po ito dahil malamig." Sigaw ng isang batang lalaki habang may nakapasan na kahon ng mga soft drinks sa abaga niya na ginamit na sisidlan ng mga tubig.
"Tubig po kayu dyan! Tubig!" Hindi siya pinansin ng mga tao sa bus, bagkos pina alis lang siya ng condoktor ng bus. Naalala ko talaga yung sarili ko noon.
Nagtitinda din ako ng mga candy at mani sa loob ng buss, napangiti nalang ako ng maalala yun. Saka tinawag yung batang lalaki.
"Pabili nga ako ng isa. Magkano ba?" Malumanay kung tanong habang nakangiti sa bata.
"15 lang po yung isa." Nakangiti nitong sabi.
"Bibili ako dalawa." Saka binigay yung 200 pesos.
"Naku! Ateng maganda wala po akong panukli dyan eh." Napangiti nalang ako saka nagsalita.
"Sayu na yung sukli." Lumiwanag naman ang mukha nito.
"Talaga po?" Isang tango lang ang ginawad ko. "Salamat po ng marami." Nakita ko naman binilhan siya ng iba pang mga pasahero Dito sa loob. Mukhang nagising na yata. "Paalam po ateng mabait." Sinamahan pa nito ng isang kaway.
Malapit lang kasi sa pintuan ng bus ang inuupoan ko. Mabait na bata ma deskarte din sa buhay. Parang ako nung bata pa ako.
****
Makalipas ang isang oras nakarating na din kami sa terminal.
Sumakay lang ako ng trysicle patungo sa baryu namin. Nagulat pa si nanay at Tatay bakit daw hindi ako nagsabi.
"Ay naku! Nagsabi ka sana para napaglutoan ka Namin ng paborito mong adobo." Nakangiti saad ni nanay.
"Wag na po nay, saka surprise nga diba?" Pilit ngiting saad ko.
"Naku! Ikaw talagang bata ka!" Usal pa ni Tatay. "Baka ikaw ay may problema ah? Wag kang mag-atubili na magsabi." Nakangiti saad ni Tatay bigla naman akong na guilty.
"Wala po tay, diba puwedeng gusto ko lang muna mag bakasyun kasama kayu?" Nakangiti kung saad. Saka sila niyakap. Ng bigla nalang tumunog yung cellphone ko.
"Oh! Anak sagutin mo na yan baka importante."
Pilit ngiti nalang ang ginawad ko saka kinuha ang cellphone ko. Tiningnan ko naman ang name ng caller, unrigestered number. Sinagot ko nalang baka sa trabaho to.
"Hello." Ngunit walang sumagot sa kanilang linya.
"Hello, sino po ito?"
"Alexa, you didnt even bother to tell me where you are. And your already discharge, baby let's talk abo—" hindi ko na pintapos sa pagsasalita ang nasa kabilang linya saka binaba ang cellphone.
A/N: good day sa mga readers ko na matyaga na naghihintay. It's been a month since nag update ako. Ilang buwan na ba? Ang makahula may premyo.
Comment kayu mga beh. Salamat sa paghihintay ng update.💛💛💛💛
YOU ARE READING
HIS SEXYTARY (Montefalco's obsession)
Roman pour AdolescentsC O M P L E T E D Drake Montefalco is ruthless when it comes on business, he came from a wealthy family and has a reputation for being a bachelor. everything he do is for he's own gain until he meet her secretary perhaps in he's eyes she's he's sexe...