Special Chapter: 2

36 21 2
                                    

[A/N] Medyo bawas na talaga ang tawanan moments dito at nanay na ang shungang si Shye. Pero siyempre, ako hindi pa so may moments pa din namang ganun. Hahaha

***

SHYE's POV

"Ambeerr!" Sigaw ko habang habol-habol ang lintik kong anak.

Tangina naman kasi't ayaw suotin ang sumbrero niya't mag pi-picnic kami ngayon ng asawa kong jinjuriki kasama 'yong iba.

"Bleeh! Eomma ith tho thlow!"

Bulol nitong pangangantyaw sa akin habang walang kahirap-hirap na sinuong, inisplit, at tinumbling ang bawat bagay na nakaharang sa daanan ng demonyita.

"Ambeeerr! Tumigil ka sabi, eh!" Inis kong sigaw habang nakahabol parin sa parin sa kanya. "Isa ka nalang talagang bata ka at bibinggo ka na talaga sa akin!"

Kanina pa talaga kami palibot-libot dito sa sala. Si Luhan kasi't ang tagal gumalaw at hanggang ngayon nando'n parin sa itaas at naliligo pa.

"AY TAENA!" Pagmumura ko nang bumangga tuhod ko sa lamesita. Napatalon-talon tuloy ako sa sobrang sakit at ang empaktita, tinawanan lang ako.

"Hahaha eomma! Eomma ith tho tangangernz!"

"Aba! Aba! At isa pang ABA!" Nanggagaliiti kong sabi saka siya hinarap. "Hoy Amber Kylie Padua Han! 'Wag na 'wag mong magaya-gaya ang mga expressions ko in life, ha? Wala ka talagang originality'ng bata ka!"

Maslalo nalang akong nabuset nang dilaan ako ng tukmol! Huehue jusmeyo! Bakit pa po ba ako nagkaanak?

Akala ko pa naman makakasundo ko ang batang 'to at sabay naming mapagtitripan si Luhan kaso mukhang nabaligtad 'yong mundo at kay Naruto siya kampi. Nakuuu!

"Hahaha, you two. Stop that!" Pagpigil ni Luhan habang pababa ng hagdan. "Anyway, where's my cap?"

Agad namang nagningning ang mga mata ng demonyita saka ulit kami nagkatinginan tapos dun sa sumbrero ni Luhan na nakapatong lang sa sofa.

"AHHH!" Sabay naming sigaw saka nag-unahan sa pagkuha ng sumbrerong 'yon pero kapag tinamaan ka naman talaga ng lintik, nauna ulit ang demonyita.

"Ito papa," pabebeng sabi ni Amber habang abot-abot kay Luhan ang sumbrero niya.

Napaikot nalang tuloy ako ng mata habang habol-habol ang sarili kong hininga. Kapag ako talaga napuno sa tiyanak na 'to, itatapon ko na talaga siya sa Han river-eme!

Pinaghirapan pa naman namin ang isang 'to! Overnight pa nga minsan kaya sayang kapag ginawa ko 'yon-eme ulet ahaha.

"Thank you, Amber," pakyut din na sagot ng jinjuriki. Napairap nalang tuloy ako.

"Tara na nga!" Inis kong sabi saka dinampot ang basket na pinaglagyan ko ng snacks namin.

Ewan ko nga lang din kung saan kami pupunta ngayon. 'Di naman kasi kotse 'yong sasakyan namin kundi tren. Train to Busan kasi trip namin ngayon at nando'n 'yong ibang katropa nitong si Luhan.

Nauna nalang akong lumabas at mukhang hindi naman nila ako pinansin. Huehue lanyang Amber 'yan!

Simula nang tumuntong 'yan ng 2 years old, naging obsess na siya sa papa niya at minsan ayaw na akong palapitin sa sarili kong asawa. Pumapagitna pa nga ang tulangis every night kaya hindi ako nakakascore kay Luhan-very sad.

Masakit man pero kailangan ko na atang patumbahin ang sarili kong anak.

Sana nga at may zombie nalang na makapasok mamaya sa tren at buong-puso ko talagang ibibigay sa kanila si Amber. Charing!

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon