Chapter 26

446 342 76
                                    

SHYE's POV

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa mansyon ni Suho'ng rich kid.

Uy! Huwag judgemental. Hindi ako naliligaw. Nasaulo ko na kaya ang bawat sulok ng lugar na 'to. 'Kala niyo siguro bobo ako, eh.

Nagpagawa kaya ako ng mapa kay Kris. Sayang-saya pa talaga siya nang gawin niya 'yong ipinapagawa ko. Akala ko pa naman maganda.

'Yong tipong sketch style? Na pati mga alikabok iguguhit niya pero anak ng kutong-lupa! Ginawan ba naman ako ng arrow-arrow lang.

Tapos may parang label lang na nakalagay sa itaas na nagsasabing To Kitchen→to CR→to dinning area→ at →to Suho's room of black credit cards.

Pero seryoso, gano'n lang ang ginawa niya. May nalalaman pa talaga siyang isn't it great? Art is really my style. And that's my masterpiece!

Hindi ko mapigilang hindi mapangiwi habang sinasabi niya 'yon.

I really want to break his moment kaso kapag ginawa ko 'yo'n, baka leeg ko ang mabreak niya. Ang tangkad-tangkad pa naman niya.

Kaya kahit masakit sa parte kong tanggapin 'yong ginuhit niya, wala na akong choice, kaysa masipa niya pa ako sa panga.

Napairap nalang ako habang naglalakad at hawak-hawak ang mapang peke na gawa ni Kris. No wonder. Made in China, eh. Charot!

I love Chinese items, lahat nga ng gamit namin sa bahay, puro galing China. Syempre, mura. Aarte pa ba kami?

Napatigil ako sa isang crossing. Sakto kasing nakita ko 'yong ←Luhan's Room.

Ibinababa ko 'yong mapa saka ako lumingon pakaliwa.

Nakita ko ang isang pintuang may nakasabit na—ay teka. Hello kitty ba 'yan? May hawak-hawak pa talaga ang ulagang pusa na WELCOME!

Nilapitan ko ito to make sure and yes, si Hello kitty nga.

"Sa kanya ba talaga 'to?"

Bulong ko sa sarili saka ko muling tinignan 'yong mapa.

Luhan's room talaga ang nakalagay dito, eh. Baka nagkamali lang si Kris sa pagsulat? May nakababatang kapatid ata si Suho? Pero of all courses, mabuti nang sure, hehehe.

Luminga-linga ako para siguraduhing walang tao sa paligid saka ako pumihit sa pintuan saka binuksan.

'Di naka-lock. Uy!

Hindi ko napigilang hindi mamangha sa nakita ko. Ang dami kasing Hello Kitty merch na nakadisplay, eh. Stuff toys. Posters. Bed sheet. Unan. Kumot. Lahat na ata Hello kitty.

"Wow!" Bulong ko saka ako pumasok at sinara 'yong pinto.

Kanino kayang kwarto 'to? Grabe! Ang cute. Naaalala ko tuloy noong bata pa ako. Love na love ko ring mangollection ng hello kitty merchandise. May kaibigan nga ako noon, palagi niya rin akong binibigyan ng hello kitty stuff toys.

Kaso ewan ko na kung saan ko na 'yon naiwan. Probably in our former house. Lumipat kasi kami ng bahay nang mag-abroad si tatay. Baka naiwan doon.

"Grabe ang kyut-kyut talaga," muli kong pagpuri saka ako naupo sa kama saka hinimas-himas 'yong bed sheet. "Ang lambot-lambot din!"

Dagdag ko pa tapos humiga na talaga. "Ang lambot nga!"

Gumulong-gulong pa ako as if ako 'yong may-ari nitong kama. 'Di bale na! Wala naman ang may-ari, eh. Kung meron, sure akong naka lock. 'Di rin naman siguro ako papagalitan ng rich kid na si Suho.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon