Chapter 24

520 346 76
                                    

SHYE's POV

Andaling lumipas ng mga oras. Sing bilis ng boyfriend mong iwan ka amp.

Yep! Sobrang bilis lang talaga at gabi nanaman. 'Di ko man lang namalayan, eh, parang dalawang hingahan lang naman 'yon.

Puro interview lang 'yong mga nangyari kanina tapos may photoshoot sila, nasali pa nga ako--couple photo namin kuno ng jinjuriki.

Sa interview kanina, puro ngiti lang ako. Ambibilis nilang magsalita, buti nalang may translator ako.

Andami nilang tanong, pakiramdam ko sumabog litid ko sa leeg

Gaya nalang ng bakit ang ganda-ganda mo, Shye? At hindi ka ba nanghihinayang sa sarili mo at isang Luhan Falcon lang 'yong naging boyfriend mo?

Napailing tuloy ako. Grabe, ang ganda ko naman talaga.

Kasalukuyan akong nakatayo dito sa terrace ng main studio nila kung saan makikita ang halos kabuohang sakop ng Seoul.

Nasa fourth floor kami ngayon.

"Oh, napa'no ka diyan?"

Tinignan ko si Byun na naglalakad papalapit sa akin. Hinubad niya suot niyang jacket at isinabit sa braso niya. Tumabi lang din siya sa akin.

I mentally smiled.

Gwapo talaga ni Byun lalong-lalo na kapag naka eyeliner. Apaka intimidating tignan ng napakasingkit niyang mata.

"Kailangan ko lang makalanghap ng sariwang hangin at baka masiraan na ako ng bait kapag nagtagal pa ako sa loob," buntong-hininga ko.

"Hmm... Kaya pa ba?" Tanong niya nang hindi

Napangiti ako ng tipid sa naging tanong niya. 

Paano kung sabihin kong hindi ko na kaya, Byun? Paano kung sabihin kong I wanna quit? Hahayaan kaya ako ng sarili kong iwan kayo? Lalong-lalo na siya?

Napakagat ako ng labi nang maaalala ko 'yong naging eksena namin ni Luhan kagabi.

Hindi na nga pala kami sa iisang kwarto ni Byun ngayon matutulog at sabi no'ng aburidong  Naruto na sa kwarto niya siya magpalipas ng gabi. 

Panira talaga ng moment ang isang 'yon. Hindi nalang kami hayaan, eh. 'Di ba, guys?

"Are you flirting around with my brother?"

Napalingon ako sa may bandang unahan malapit sa pintuan ng kwarto ko nang marinig ko ang boses ng jinjuriki.

Nakahawak na ako sa doorknob at handa na sanang pumasok pero tumigil ng kusa 'yong katawan ko para tignan siya.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon