Chapter 12

773 524 90
                                    

SHYE's POV

Kusot-kusot ko pa mata ko saka matamlay na naupo. Balot-balot pa 'yong katawan ko ng kumot habang humihikab. Ang sarap pang matulog pero gusto ko na talagang tumayo at kumain.

"Good morning, commoner."

"Good morning, Naruto."

Matamlay kong sagot at biglang natigilan sa pagkamot ng ulo ko nang marinig ko ang boses na 'yon.

Nakapikit pa lang ako pero parang nakikita ko na 'yong demonyong lalaking may blondeng buhok.

"Open your eyes, you look stupid."

Agad akong napamulat nang maconfirm kong 'di ako nag imagine. Ampangit rin naman ng imagination ko kung gano'n.

Nakaupo ang Naruto sa silya kaharap ng study table ko habang nilalaro 'yong pusang palamunin na nakaupo sa mga hita niya.

Pa'no na nakapasok ang dalawang kutong-lupang 'to?!

"Na'sa ibaba si nanay, ah. Pa'no ka nakapasok?!"

Sinulyapan niya lang ako saka ulit nilaro 'yong pusang giliw na giliw naman. Kadalasan talaga sa movies, kapag kontra-bida, pusa 'yong alaga hmp!

"Can't you really state the obvious?" Sarkastiko niyang tanong nang 'di ako tinatapunan ng tingin.

Tutok parin siya sa pusa.

Unfair talaga ng nanay kong si Ninay, oo. Kapag ako parang okay lang sa kanya na makitulog ako sa mga askal sa labas kagabi pero kapag gwapo, agad na ipinapapasok?

Magsasalita pa sana ulit ako nang maunahan ako ng ungas.

"And I'm here to accompany you to the mall," himas-himas niya parin ang ulo ng pusa't tumingin sa akin.

"You need some fancy jackets, so you won't freeze there."

"Wala akong pera!"

"Of course," pag-agree niya naman agad. Tarantado talaga.

"Tuloy pala kasi talaga 'yan? Pa'no pag-aaral ko?"

"They already took care of it, so ang kailangan mo nalang gawin ay ang maghanda. Sina manager na ang bahala sa lahat kaya ikaw ayusin mo nalang 'yang sarili mo."

Sumama tungin ko. "'Di ako sira para ayusin, ah."

"Hindi ba?"

"Umayos ka, ah!" Banta ko pero inirapan niya pa talaga ako dahilan kung ba't ko naitapon sa kanya ang unan sa tabi ko.

"Ay shutek!" Mura ko nalang nang maalala kong kay Jasmine pala 'yon at dahil kay Jasmine 'yon, naka print do'n ang mukha ng jinjuriki.

"'Di akin 'yan, kay Jasmine 'yan," agad kong pagdepensa.

Sumilay naman agad ang nakakalokong ngiti sa labi ng deputa nang makita niya nga ang mukha niya sa unan. Agad niya kasi itong nasalo.

"Oh~ you're secretly romanticizing-" tinignan niya ako ng nakakapanuya.

"Romanticizing pa nga nabanggit," singhal ko. "Kinulam kita, 'wag assuming."

Padabog akong tumayo't padabog rin na inagaw ang unan sa kanya saka ko ito ipinasok sa cabinet kung saan ando'n ang ibang kagamitan ni Jas.

Madalas kasi siyang natutulog dito at ako rin sa kanila.

Hindi pa ako nakaharap sa kanya'y nagsalita na siya.

"I already told you, commoner. Falling in love with me is not part of the plan. Malabo ba ang pagkakasabi ko no'n?"

Sandila pa bago ako nakalingon saka nambewang. "Sobrang labo ba? Kabitan mo kaya ng antenna?"

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon