Chapter 49

339 294 25
                                    

SHYE's POV

Nasa carnival kami ngayon ni Luhan habang parehong nakasuot ng couple face mask at couple cap. Ang cute namin sa totoo lang! Mainggit na ang dapat mainggit!

Makisanaol nalang sa walang February 14 sa calendar nila diyan!

"Where do you want to go, jagi?" Tanong ni Luhan habang sinu-swing ang nakahawak naming mga kamay, fingers intertwined.

"Kahit saan," malimit kong sagot.

"Ahhh! You choose," ungol niya.

"Paano kapag gusto kong sumakay ng Ferris wheel o di kaya'y pumasok ng haunted house?"

Pananakot ko kaya namutla siya. Matatakutin kasi 'tong si Luhan sa mga multo and has a serious fear of heights. Baka kapag nalingat lang ako saglit, hinimatay na.

"H-haunted house n-nalang," nauutal niyang sagot kaya natawa ako.

"Sows! 'Wag na! Joke lang naman 'yan, eh. Alam ko namang takot kang pumasok diyan."

Pagbawi ko agad saka pupunta nalang sana do'n sa may Maze Booth na nakalagay. Mukhang masaya kasi do'n iligaw 'tong si Luhan pero sa aming dalawa, ako 'yong tanga sa directions kaya paniguradong makakarma lang ako agad.

Hihilahin ko na sana siya kaso nanigas na sa kinatatayuan niya. Tutok na tutok lang siya sa horror house. Don't tell me papasok talaga siya diyan?

"Let's go inside."

Napangiwi nalang ako. Papasok nga talaga siya. Luh! Natouch ko ba pride niya? Huehue sorry naman.

"Okay lang naman, Lu, eh. Doon nalang tayo sa ibang booth. May maze booth do'n sa may banda. Sabayan mo akong magpakatanga sa directions? May kissing booth din, oh? Mukhang maganda do'n nang mahalikan na naman kita."

Pagbibiro ko kaya natawa siya't pinisil ang kamay ko. Tumingin din siya sa akin saka ngumiti. It's still obvious tho kahit naka mask pa.

"Save that for later, Jagi. Let me just show you how manly I am."

Magsasalita pa sana ako pero hinila niya na ako do'n sa bilihan ng ticket.

"Don't worry, nae yeobo. I will protect you!" Sabi niya pa habang nakalinya kami.

He sounded convincing tho pero alam ko namang sarili niya 'yong kino-convince niya at hindi ako. Anlamig-lamig narin kasi talaga ng kamay niya.

"Hindi naman ako nag-aalala sa sarili ko, eh. Ikaw 'yong inaaalala ko at baka dito ka pa bawian ng hininga. Cause of death, ghost scare. Ampangit naman."

Agad siyang umiling. "Nope! Just watch my manliness! I'm not afraid of ghosts!" Pangungumbinsi niya sa akin kaya hinayaan ko nalang. Support nalang ako kung saan siya sasaya.

Kita kong napataas-baba 'yong Adam's apple ng bebe ko. Alam ko naman kasing takot siya sa mga multo, eh, at napanood ko 'yong variety show nila noon before pa sila napunta dito sa Pinas.

Para siyang timang do'n sa kakatili. Hindi mo talaga aakalaing lalaki pala siya't matutumbasan niya pa ang tili ng mga babae. Magkasama kasi silang dalawa dapat ni Dyo na pumasok kaso anak ng demon kasi isang 'yon kaya iniwan 'tong mahal ko huhuhaha.

"Pwede pa tayong mag back-out, Lu," sabi ko. Next na kasi kami't tig-dadalawa lang ang pwedeng pumasok.

"Aniyo!" Matigas niyang sabi at maslalong hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "I can do this!"

Napabuntong-hininga nalang ulit ako. Ewan ko kung pangilang beses na 'to.

"Eh, 'di go! 'Wag mo lang talaga akong masisi-sisi kapag nakapasok na tayo't ipapakain kita sa kanila!"
Banta ko.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon