Chapter 17

696 505 104
                                    

SHYE's POV

"Shuta," pagmumura ko nalang at nagising ako't sobrang sakit ng aking ulo.

Umupo ako habang sapo-sapo ito.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata't napasinghap nalang at nasa loob ako ng kwarto ni Naruto.

Ewan ko kung bakit ako nandito o paano ako napunta dito. Sa pagkakaalam ko kasi binigyan na ako ni Suho ng sarili kong kwarto na pansamantalang gagamitin ko hanggang sa makapunta nga kaming Korea pero bakit nga ako nandito?

Pakiramdam ko may nangyari pero 'di ko naman maalala kung ano pero sure talaga ako'ng may nangyari, 'di ko lang naaalala.

'Di ko nga maintindihan pinag-iiisip ko ngayon, dumagdag pa 'tong sakit sa ulo na nagpapaikot ng paningin ko.

Kinapa-kapa ko noo ko pababa hanggang leeg.

Medyo mainit ako. Nilagnat ba ako? Nilagnat lang tas wala nang maalala?

Napatapik ako sa bagang saka pilit na inaalala ang posibleng nangyari. Sigurado akong nagsimulang naging blur ang mga naaalala ko mula kahapon.

Ano bang nangyari kahapon?

Nangangatal na talaga ako sobrang lamig.

"Uy, potek! Flash back ba 'to?!" Singhap ko't may lumabas na parang movie sa imaginations ko kaya pinanuod ko nalang din ito sakaling ando'n sagot sa aking mga katanungan, eme!

Ang joker din kasi ni mareng hangin at maslalo pang umihip ng napaka lakas buti na nga lang talaga at may pader 'tong waiting shed na 'to at baka naitibag ko na't wala man lang ka ilaw-ilaw.

Ang ganda ng lugar, walang pambiling bombila kahit isa, jusko!

Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa sarili ko at maslalong sumiksik sa gilid.

Leche kasi si kumpadreng ulan, mas lalo pang lumakas. Kairita! Nagsimula naring uminit 'yong katawan ko't nagsisimula na akong lagnatin.

Bakit nga ba kasi ang dali ko lang dapuan ng mga sakit? Masaya ba dito sa katawan ko at ginagawa nilang apartment ng walang bayad?

Halos 'di ko na maibuka 'yong bibig ko sa sobrang lamig kaya nang may mamaw na nakisilong rin, agad kong ipinulupot sarili ko sa kanya para makishare ng init niya sa katawan.

"WHAT THE!" Tili niya. Obviously nagulat sa ginawa ko, pero bahala na.

Buhay muna bago hiya.

Good thing I am fast to grip on the edge of the cemented bench.

"L-LET GO!" I shouted, almost in a squeal, and tried removing its arms around mine.

It's too dark so I couldn't see who this was, damn it!

"Sorry po," mahina kong sabi. "A-Ang lamig-lamig na po kasi t-talaga."

Ramdam kong natigilan.

"Commoner, is that you?" Sabi niya pa saka ako hinawakan sa magkabilang balikat.

Pinisil-pinisil niya pa mga ito na para ba'ng sinusukat niya ito.

"P-Po? S-Sino po?" Tanong ko nalang ulit at laking gulat ko nalang nang bigla niya akong hilahin saka niyakap.

Ramdam ko agad ang init ng katawan niya.

"I'm sorry, I forgot you're stupid," bulong niya't bahagya akong nanigas nang marinig ko ng maayos ang kanyang boses.

Wala rin namang tumatawag sa akin ng stupid kun'di siya.

"N-Naruto?"

Rinig ko ang bawat kalabog ng puso niya't nakakabingi mga ito pero masyado akong nanlalamig para mag-inarte, later nalang.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon