Chapter 50

405 296 25
                                    

SHYE's POV

Nasa private room kaming dalawa ni Luhan at baka dagsain kami ng mga tao sa labas. Fans ang sa kanya; warriors sa akin, syempre.

Nakasuot lang din ng Chinese cultural attire lahat ng staffs dito at kakatapos lang pala ng Chinese new year. Half Chinese kasi 'tong si Luhan bebs ko kaya pumayag nalang akong dito kami maghapunan.

Kung ano-anong potahe lang ang nasa harapan ko at ni isa walang akong nakikilala. Mukhang masarap naman kaya kiber na. Wala rin naman akong ambag dito maliban sa kagandahan ko.

"Wala bang kutsara?" Bulong ko kay Luhan at ang ulol, tinawanan lang ako.

"You don't need one, susubuan kita," sabi niya saka sinubo nga sa akin ang 'di ko alam kung ano.

Kinain ko rin naman ito at napa boom panes nalang sa sobrang sarap.

"Sarap, ah! Taray," mangha kong sabi habang ngumuya-nguya.

"Really?" Masaya niyang tanong at tumango ako.

Natapos kaming kumain ni Luhan pero mukhang ako lang ata ang nabusog at hindi ko man lang siya nakitang kumain. Sinusubuan niya lang kasi ata ako.

Bahala nga siya diyan! Ginusto niya 'yan.

Dumiretso kami sa top view ng lugar namin kung saan matatanaw mo ang kabuuang anyo nito.

It's already around seven kaya natural, gabi na. Wala siyang schedule ngayon aside sa Live show nila mamayang 10PM sa V app. Pwede rin naman daw siyang 'di dumalo.

Pero syempre, 'di pwede 'yon at paniguradong ako na naman sisisihin ng mga fans nila kaya naman-ay teka. Napatingin ako kay Luhan habang nagmamaneho. Naghiwalay na ba silang dalawa? Potangina mukhang hindi pa.

Pisting yawa! Ginawa na ba talaga akong third wheel neto?!

"Hoy! Umamin ka nga."

Saglit niya akong tinignan nang pitikin ko braso niya.

"What's with the face? Namimisikal ka pa."

"Ay pasensya na pero may gusto lang kasi talaga akong malaman."

Sumulyap siya tas agad balik sa kalsada. "Yes? What's that?"

"Naghiwalay na ba kayo ni Yuna?" Diretsahan kong tanong. Medyo tumaas kilay niya.

"Bakit mo naman natanong-aray! I'm kidding! I'm kidding!" Dali-dali niyang sabi nang sundutin ko tagiliran niya.

"NAGHIWALAY NA KAYO O HINDI PA?!" Inis kong tanong.

"Y-Yeah! Of course," ngali-ngali niyang sagot. "I-I told her my real feelings."

"And?"

"And what?"

"Potangina mo talagang loko-loko ka!

"Araayyy!! Jagi naman, eehhhh!" Ungol niya nang muli ko siyang sinundot sa baywang. Hinimas niya pa ito saglit.

"Eh, kasi apaka gagu mo! Hindi mo ba klinaro? Wala na bang kasunod 'yon? 'Yon na 'yon?!"

"Ahh yeah! I think she already got what I mean. I just can't tell her that I am breaking up with her bluntly. I can't hurt her more."

Napaikot nalang ako ng mata. Anak ng depungal 'yan. I don't know kung paano sila maghiwalay sa kanilang kultura pero hindi gano'n dito, eh.

At least not according to my principles. Pakiramdam ko talaga naging third wheel ako officially huhuhu. 'Yong hiniwalayan kasi ako ni Matt, wala akong choice kung hindi sumang-ayon.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon