Chapter 40

453 304 22
                                    

SHYE's POV

"Are you really okay with that?"

Nginitian ko si Byun. "Oo naman, ano! Hindi naman siguro ako mamamatay kapag pumunta ako do'n, 'di ba?"

Bumuntong-hininga siya. "Pwede ka namang umayaw, eh."

"Ito ang gusto ng mudra niyo, eh? Ang ayusin ang lahat para hindi na tayo mahirapan pa sa pagtatago."

Sabi ko saka ko kinuha ang kamay niya at nilaro-laro ito tapos palihim na umirap. Kung hindi lang sana seryoso ang pinag-uusapan naming dalawa ngayon baka nabali ko na 'tong mga daliri niya.

Bakit hindi sa akin napunta mga daliri'ng 'to?

"Masmabuti nang ganito, Byun," dagdag ko saka siya tinignan. "Para free na akong landiin ka pagkatapos ahihi."

Ngumisi pa ako saka ko itinaas-baba ang mga kilay ko. Nakatanggap tuloy ako ng batok. Pero siyempre mahina lang naman. Try niya lang lakasan at ipapakain ko talaga sa kanya 'tong inuupuan naming dalawa.

"Hahaha sira ka talaga. Hindi 'yon gano'n kadali, ano. Kailangan pa nating pahupain ang issue bago ulit nila malaman na merong namamagitan sa atin. It needs process, you know. For better, for good."

"Ay, sosyal. Akala ko ba sasabihin natin ang totoo do'n sa pres con bukas tapos kailangan pa pala ng process?" Mataray kong sabi saka tumayo. "Ewan ko sa inyo! Maliligo na nga lang ako."

Rinig ko siyang tumawa nang makalabas na ako ng kwarto niya kaya padabog kong isinara ang pintuan.

Napairap nalang ulit ako sukdulan hanggang heaven. Nakakainis na talaga ang mga nangyayari, alam niyo 'yon?

Feeling ko sasabog na apdo ko sa kakaisip sa pwede kong gawin.

'Yon pala 'yong ibig-sabihin ni Suho no'ng nakaraang araw na sasabihin raw ni Byun sa akin dapat. 'Yong pres con na dapat ay nando'n kami ni Yuna.

'Yon kasi ang gusto ng mudra nila. Nashock lang talaga ako at mudra pala nila ang president ng entertainment kung saan under ang EXO. Kaya pala galit na galit ito nang malamang may namamagitan din sa aming dalawa ni Byun at panigurado nga raw na makakasira lang ako sa mga na build-build-build ni mesdames.

Napapadyak nalang ako sa sahig. Sana naging si Luhan nalang 'tong sahig nang mukha niya ang mapadyakan ko.

"Sha! Dito ka nalang kasi matulog," rinig kong sigaw ni Byun mula sa loob ng kwarto niya.

"Pakyu, too! Huwag mo akong guluhin. Busy akong tao!" Sigaw ko rin pabalik kaya natawa ang singkit.

"Basta bukas bawi ako sa date natin, ha? After ng pres con. Arraseo?"

"Salamat sa pagpuri. Alam kong maganda ako. No need to tell me!" Untad ko kaya natawa ulit siya.

"Yeah yeah! Tomorrow then?"

Tinuktok ko lang 'yong pintuan niya't umalis na. Iniistress lang talaga ako ng singkit na 'yon. Tsk! Gusto niya pa talagang sa kwarto niya ako matulog.

Aba lang! Anong tingin niya sa akin? Easy to get? Pero siyempre ako ang sa kama at siya raw sa sofa. Kayo talaga hehehe.

Tinignan ko ang phone ko para tignan kung anong oras na at muntikan na akong himatayin nang makita ko ito.

"Jusko! Quarter to 4 na?!"

Agad ko itong pinatay at tumakbo papunta ng kwarto. Kailangan kong matulog! Kailangan kong maging maganda bukas-este mamaya pala para sa pres con. Magkaka black eye ka talaga sa akin bukas, Byun! Kasalanan mo kung magmumukha akong overused mamaya. Ugh!

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon