Chapter 16

674 509 133
                                    

SHYE's POV

"Manong? Sure ka dito na 'yon? Bakit parang zombie town ata 'tong pinuntahan natin?" Nag-aalanganin kong tanong kay manong driver habang nakadungaw mula sa loob ng taxi.

Paano ba naman kasing nakakatakot ang atmosphere ng lugar na ito.

Hindi naman kasi ako na inform na nasa isang Villa pala ang Castle Street na 'yan.

Putek! Andaming streets dito, eh. Parang bawat kalye ay may iba't-ibang patibong ang nakahintay. Ang dilim-dilim rin sa bawat kalyeng 'yon. Para itong dark side ng mundo—echos!

Sa pagkakaalam ko, lumaki ako dito sa mismong syudad na ito pero bakit parang ngayon lamang ako napadpad dito?

"Eh, 'di ba nga Castle street ang sabi mo? Dito nga 'yon. At saka lumabas ka na nga. Kanina ka pa dito sa loob, lumalaki na bayarin mo."

Muntikan na akong napasalampak sa sandalan niya nang makita ko 'yong metrosan ng taxi.

"Isang libo? Ginto ba ang gasolina ng taxi niyo manong?!" Hindi ko makapaniwalang tanong.

Hindi ko nga alam kung umabot bang isang libo 'tong dala kong pera, eh.

"Wala nang mura sa panahon ngayon, ineng!"

"Eh, wala po bang tawad 'yan? Manong naman, kay lapit lang no'n, eh. Hindi naman nasayang 'yong ginto niyong gasolina nang mag standby ako dito sa loob ng limang minuto," pagdadahilan ko.

Sa pagkakabilang ko kasi 926.50 lang 'yong pera'ng nasa pitaka ko. So, paano na ako pauwi? Nganga?

Hindi naman ako pweding maglakad, ano. Ang dilim kaya dito.

"Kung gusto mo, pumunta ka ng presinto at doon ka humingi ng tawad."

"Pwede po?"

"Jusko! Alam kong kulang 'yang pera mo, 'di bale na nga. Akin na 'yan at lumabas ka na. Nakakabobo kang kausap!" Bulyaw niya saka hinablot 'yong hawak-hawak kong pera na tig-babarya.

Sininghalan ko nalang siya at padabog na lumabas. Padabog ko ring isinara ang pintuan ng sasakyan niya at mataimtim na nagdasal na nabasag 'yong wind shield kaso hindi.

Feeling ko nalunok ko lahat ng alikabok at usok ng kotse niya nang bigla siya'ng humarurot papalayo. Napa ubo-ubo tuloy ako.

"Pakyu, manong! Pakyu!" Sigaw ko bago ko hinarap ang mala-ghost town na Castle street.

Seryoso, ang dilim talaga sa bandang 'to.

Nilingon ko ulit 'yong sa likuran, ang daan pauwi, at ang aliwalas sa banda do'n pero bakit dito sobrang dilim?

Binalik ko ulit tingin ko sa harap.

Wala rin akong makitang mga taong pagala-gala. Pero infairness, ang gaganda ng bahay dito. Pangmayaman!

Saan kaya banda rito ang Castle street?

Si manong 'di pa kasi ako hinatid door to door, eh. Saksak niya sa balunbalunan niya taxi niya, tse!

Natural, sa gate ako dumaan. Magpapaalam pa sana ako sa guard pero walang tao sa post. Medyo nakaawang din ang gate kaya pumasok na ako.

Nagsimula na akong maglakad sa loob hanggang sa mapadpad ako sa isang kalyeng may poste.

"Palace street" Pagbasa ko.

Palace? Pareho lang naman ata 'yan sa castle, ano?

Napatango-tango ako sa naisip ko. Ang talino ko talaga, ahe~

Nagpatuloy ako sa paglakad.

Ang gagawin ko nalang ngayon ay ang hanapin ang puting bahay.

Napatingala ako nang may tumulo sa balikat ko.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon