Chapter 47

349 297 11
                                    

SHYE's POV

Kanina pa ako irap ng irap simula nang magkita kami ng fiancé nitong si Byun. Oo at fiancé na pala tapos wala man lang akong kaalam-alam. Nag held pa nga raw sila ng celebration, eh.

Hindi lang ako nakapunta kasi nga hindi ko alam. Hindi rin naman ako ininvite ng mga punyeta tapos hindi pa ako updated sa mga social media. Deleted na nga rin facebook ko, 'di ba?

Dapat nga sana ikakasal na ang dalawang 'to kaso may changes raw sa plano. Ewan ko kung ano, wala naman akong pakialam. Potangina, ginawa lang pala talaga akong tanga ng gago'ng Byun.

Bagay talaga pangalan niya sa kanya. Byun-Byuntae! In Tagalog, maharot!

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?!" Bulyaw ko nang makita kong tinirikan ako ng mata ng lecheng buntis.

"Sinong may sabing tinitignan kita?" Bulyaw niya rin.

Aba-aba! Mahadera rin ang shuta! Suntukin ko na ba ang tiyan?!

"You two, stop it!" Pamigil ni Byun at agad na pumagitna sa aming dalawa. "Pinagtitinginan na tayo, eh!"

Sabay pa kaming narairap ng bwesit kaya maslalo akong nainis.

"Gaya-gaya!" Pagpaparinig ko.

"Walang originality!" Pagpaparinig rin niya.

Nakangiwi kong kinagat ang labi ko para pigilan ang akong sarili na 'wag ihambalos ang potaena sa tiled floor nitong ospital.

Kanina pa talaga ako nagpipigil, eh! Kanina pa talaga, eh! Leche talaga, eh!

"Ne, hyung," napatingin ako kay Byun nang magsalita ito. May kausap lang pala siya sa telepono. "Yeah, please get her here at baka magkagulo ang dalawang 'to dito," dagdag niya pa bago niya ito ibinaba.

"Sino 'yon?" Sabay naming tanong ng itrimiditang babae kaya nagtagis na naman ulit ang mga tingin namin.

Nataranta tuloy si Byun na paghiwalayin kaming dalawa nang sabay kaming sumugod.

"Yah!! Stop it!" Nagpipigil na sigaw ni Byun pero hindi parin kami nagpaawat na dalawa kaya pinagtulungan na kaming awatin ng mga tao sa paligid, so ang ending pinalabas ako ng ospital.

Ang kapal daw kasi ng mukha kong pumatol sa buntis. EXCUSE ME! Porke't buntis siya, pwede niya na akong malditahan?!

Isplitin ko cervix niya diyan, eh! Kakonchaba pa naman sila ni Byun na pagmukhain akong tanga. Ewan ko lang din. Sa pagkakasabi naman kasi ni Byun ay wala daw pakialam ang babaeng 'yon sa kung ano man ang relasyon namin pero no'ng makita niya kaming sabay na lumabas sa kotse ay bigla-bigla nalang akong inirapan.

"You really shouldn't have done that," sabi ni Byun habang himas-himas ang pisngi niyang nasampal ng nakatukaan niya.

Ako kasi talaga sana 'yong masasampal niya, eh, kaso humarang siya kaya siya 'yong napektus.

"Humarang-harang ka pa kasi. Alam mo namang maiiwasan ko 'yon," pagtataray ko.

"Baka mapano ka pa kasi," ngumuso siya.

"Byun? Hindi ako 'yong buntis kaya 'wag ako 'yong alalanin mo kundi 'yong fiancé mong mahadera!"

"Nagsalita ang hindi."

Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Zhera and you really have the same attitude, you know that? Baka kung hindi pa kayo naawat ng mga tao sa loob, ewan ko lang kung ano nang nagyari."

"Duh! Kung 'di lang talaga buntis ang isang 'yon, ayy!" Nanggagaliiti kong sabi kaya natawa siya.

"Ewan ko sayo! And I really have to get back inside, Shye. People are starting to notince, baka magkastampede na naman ulit dito, mapapagalitan na naman ako ni manager-nim."

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon