Chapter 18

581 358 97
                                    

SHYE's POV

Kanina pa ako nag-iisip ng pwedeng maging apelyedo ni Naruto.

Naruto parin tawag ko sa kanya, syempre. Balashajan!

Nasa loob na kami ng plane kaya wala nang silbi phone ko. Wala kasing music do'n, ni games, wala.

Boredom ang dahilan kung bakit palaging sumasagi sa isipan ko kung ano nga bang apelyedo ng jinjuriki.

Magkatabi lang din kasi kami't 'di ko siya pwede'ng tanungin at baka mamura lang ako. 'Di ko rin matanong 'yong iba't naka headset silang lahat, minding their own businesses and enjoying their personal spaces.

New vocabularies ko 'yan today na nabasa ko lang sa nakapaskil sa magkahiwalay na billboards.

"Kanina ka pa tahimik diyan mag-isa?"

Himalang tanong ng bwesit habang inaayos ang headset niya.

"Bakit 'pag nananahimik ba, dapat by partner?" Ngiwi ko'ng tanong. "Huwag kang magulo diyan, nag-iisip ako."

"Kunwari ka pa, wala ka naman no'n."

"Huling beses na 'yan, ah, tatamaan ka na sa akin," itinaas ko kamao ko.

"Geez," ngumuso siya. "What are you thinking then?"

"Nothing special pero kung mapilit ka naman sasabihin ko naman sayo," ngumuso rin ako saka siya hinarap. "Ang totoo niyan iniisip ko kung paano mang-hijack ng eroplano."

Ngumisi ako ng nakakaloko. "Alam mo kung paano? Pwede tayong mag-colab?"

Umusog ako papalapit sa kanya't umusog rin naman siya papalayo.

"Tas ipapatubos natin ng one hundred million 'tong mga kasamahan mo tapos hati tayo. Ano? Game ka?"

Mas ngumisi pa ako kaya napalunok siya. Ewan ko kung kinakabahan ba siya sa naisip ko o kinakabahan siya kasi siraulo katabi niya o baka both.

"Ano na?"

Itinaas-baba ko pa kilay ko't muntikan nang mapahiyaw nang itulak niya ako ng pagkalakas-lakas kaya tumalsik ako't tumama balikat sa bintana.

Nasa pasok kasi ako at dalawang upuan lang meron. Hindi kasi kami naka VIP, apaka poor naman ng management nila, charots!

Sabi ni Tao kasi, dapat lay low lang sila't wala palang nakakaalam ng pag-uwi nila. Kaya pala biglaan. Wala akong alam kung bakit kasi wala naman akong pakialam, pwe!

"Apaka sadista ampota!" Pagmumura ko habang himas-himas balikat kong tumama sa bintana.

'Di man lang ako pinansin at isinuot na headset niya. Plano ko pa sanang pektusan siya sa leeg pero 'wag nalang, nasa likuran lang kasi namin si Byun.

Ayoko'ng magmukha akong masama sa paningin ng mahal ko ayieh!

Ilang minuto pa ang lumipas bago pa naisipan ng kumpare kong pilot na ipalipad ang eroplano.

This is my third time to ride one and the at five years ago pa 'yong last, pero ito 'yong pinakauna-unahang panahon na makakapunta akong Korea, libre pa.

Excited ako and at the same time, kinakabahan pero mas nangingibabaw talaga 'yong excitement. Kasi alam niyo na, in case na hindi talaga ako palarin nay Byun, madali akong makakahanap do'n hmp MWAHAHAHA.

"Coffee, sir?" Tanong no'ng isang stewardess na lumapit kay Naruto.

May pakurap-kurap pa talaga siyang nalalaman, halatang nagpapa-cute.

"No, thanks," prenteng sagot ni Naruto without looking at her.

Napasimangot tuloy siya saka sunod akong tinignan.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon