Chapter 4

967 551 174
                                    

SHYE's POV

Naniniwala ako sa kasabihang "mag biro ka nalang sa lasing huwag lang sa bagong gising".

Hindi ako makagalaw sa posisyon ko ngayon. Feeling ko nasemento buo kong katawan dahil sa mga titig niyang tagos hanggang internal organs.

"Aysheet!" Napamura nalang ako nang bigla niyang ingudngod sa mukha ko 'ying unang tinakip niya sa mukha niya.

Na out balance ako kaya kamuntikan na akong matumba, buti nalang naitukod ko agad magkabila kong braso.

"Nǐ shì shuí?" (Who are you?)

Napaamang ako saglit nang bigla niya akong insikin. Literal 'yon kasi sa pagkakaalam ko, Chinese ang isang 'to. Magkapatid lang kasi sila ni Byun sa ama.

Umayos ako ng upo saka nagsalita.

"Shîno wako?" Sabi ko habang ginagaya 'yong accent niya.

Baka akala niya siguro 'di ako marunong mag Mandarin, eh. Kahit Cantonese pa 'yan, very sisiw lang for me. Baka linguistic 'tong kaharap niya.

"Shénme?" (What?)

Naguguluhan niyang tanong at may pinagsasabi pa siyang 'di ko talaga nasundan kaya naisipan ko nalang na tumayo't iwan siya kaso bigla niya akong hinablot, buti nalang at agad akong nakaiwas.

Mabilisan naman siyang tumayo saka umakma ulit na hablutin ako kaya napakaripas na ako ng tayo at tumakbo papalayo sa kanya.

"Hey, stop! Sasaeng! Thief!"

Nanigas bagang ko sa sinabi niya't napatigil sa unahan.

"Hindi Sasaeng pangalan ko, ah! At maslalong hindi ako magnanakaw," sabi ko pa bago ulit tumakbo papalayo at hinabol niya na ako.

"Maganda lang ako pero 'di ako magnanakaw, pakyuuuu!" Dagdag ko pa sabay pakyu sa kanya.

May isinigaw pa siya pero 'di ko narinig ng maayos. Sa bilis ko ba namang tumakbo, umabot na agad akong kabilang kanto.

'Di ko na alam kung saan na ako napadpad. Potanginang bahay kasi 'to, andaming crossing!

Lumingon ako para i-check kung nakahabol ba siya, buti nalang hindi. Lampa pala ang shuta, lakas ng loob akong hamunin ng takbuhan.

Tumigil muna ako sa may tabi para habulin sarili kong hininga. Buti nalang talaga banayag sa paa 'tong biniling sapatos ni Byun.

Ilang beses akong napalunok habang minamataan ang mga crossing sa lugar na 'to.

Potanginang shet! Saan ba kasi exit dito?

Byun? Where art though? Minaltrato na ako ng kapatid mong may orange hair huhu.

Pinaypayan ko nalang muna sarili ko para maibsan kaunti 'yong ka stressan na ibinigay sa akin ng deputa.

Napagkamalan ba naman akong magnanakaw? Kung magnanakaw lang din naman ako, hindi 'tong mamahaling flower vase na katabi ko 'yong uunahin ko kung 'di siya amp! Kalandian mo talaga, Padua, oo.

Sinubukan kong maghanap ng kahit isang katulong man lang pero alikabok lang nahanap ko. Ghost house ba 'to? Anlaki, wala man lang katao-tao.

Napagdesisyonan ko nalang na maglakad-lakad para hanapin ang daan palabas. Siguro naman sa laking bahay nito marami ring entrance at exit, ano?

Habang binabaybay ko 'yong daan papuntang 'di ko alam, 'di mawala sa isip ko 'yong titig ng tarantado kanina.

'Yung titig niya kasi, nakakatunaw ng atay, alam niyo 'yon?

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon