Chapter 27

490 342 87
                                    

SHYE's POV

Lumipas na ang isang araw at gabi na naman pero nanatili parin akong pretty—este, hindi parin ako lumalabas ng kwarto ko.

Wala kasi ata akong ganang kumilos at makipagplastikan sa mga tao sa labas. 'Di ako sure.

Hindi nga rin ako kumakain simula pa kaninang umaga. Kanina pa nga nila ako kinakatok pero hindi ko sila pinansin. Snob ako, eh.

Tamad ako sa buhay. Mula nang makalabas ako sa hospital kagabi, nagkulong na ako dito sa kwarto ko na pagmamay-ari ng milyonaryong si Suho.

Isa lang kasi ang hinihintay kong kumatok para buksan ko 'yong pinto at 'yon ay ang aburidong jinjuriki. Assuming na kung assuming pero umaasa talaga akong kumatok siya diyan sa mamahaling pinto ni Suho at magmakaawa sa aking magpakasal sa kanya—este, na patawarin siya.

Aba! Dapat lang, ano! Kung hindi lang ata talaga ako agad na naisugod ni Byun sa ospital, bloodless na ako at umabot pala hanggang pulso ko 'yong sugat. Kaya balot na balot ng benda 'tong kaliwa kong kamay ngayon.

Kanina pa ako nakahilata dito sa kama at nagmamaganda—este, nagdadrama.
Hindi ko kasi talaga inaasahang kaya niya akong saktan para lang do'n sa nabasag kong snow globe niya na ibinigay sa kanya ng girlfriend niya.

Kasalanan ko naman talaga 'yon, eh! Kung hindi lang sana ako pumasok sa kwarto niyang puno ng hello kitty merchandise, hindi ko sana 'yon nabasag. Ito kasing pagka entitled ko minsan, sarap sakal-sakalin.

Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok. Bumalikwas ako ng upo.

"Sino 'yan?" Tanong ko at umaasang maririnig ko ang boses ng isang jinjuriki.

"It's Byun, Shye," napasimangot ako sa sumagot.

"Sino nga ulit?" Pag-ulit ko. Baka kasi kapag inulit ko si Naruto na 'yong sumagot.

"It's Byun," sagot niya rin ulit.

"Ano?"

"It's Byun Baekhyun, Kristine Shye Padua! So, will you please open the door and my hands are getting numb. This tray is amazingly heavy!"

Napaismid ako sa naging sagot niya.

First time kasi niyang ginamit ng totoo niyang apelyedo, eh. Hmm pero kainis lang at wala na talagang pag-asang maging siya si Naruto. Tumayo nalang ako at naglakad papalpit ng pinto saka ito binuksan.

Bumungad naman agad sa akin ang mukha ni Byun na may 'sing lawak ng pacific ocean na ngiti.

"Salamat naman at binuksan mo na," sabi niya saka pumasok at inilapag sa mesa ang tray na dala-dala niya.

"If I only knew that you would only open the door if it's me then I shouldn't have attended the meeting," tinignan niya ako.

Hindi, ah. Iba gusto kong pagbuksan kaso ang cute mo rin kasi talaga, sino ba naman ako para mag-inarte amp.

"They told me that you won't go out. You weren't eating as well. Tsk! Sorry if took me a lot of time to get back here. I still have to answer those intimate questions about what have had happened yesterday."

Napasimangot ako sa sinabi niya. Dahil kasi sa nangyari sa akin, nagkaroon kaming tatlo ng issue. Kaya nga ipinadeactivate ni Kai sa akin 'yong Facebook ko. Para raw hindi ko mabasa 'yong mga death threats ng kanilang mga fans.

Hohoho andami ko na ata talagang bashers! Sarap sa feeling magkaroon ng haters noon, eh, ngayon 'di na ako natutuwa.

"Hey! Stop stressing yourself. It's not your fault, okay?"

Napangiti ako nang guluhin ni Byun 'yong buhok ko.

"Kumain ka na nga lang."

Tumango ako't umupo para nga kumain. Kanina pa kasi talaga kumakalam sikmura ko. Ang hirap naman kasi pag-inartehan ng gago'ng Naruto. Parang sorry lang, eh.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon