Chapter 41

418 302 19
                                    

SHYE's POV

Palaging sinasabi sa akin ni tatay noon na huwag ko raw'ng iyakan ang mga taong walang pakialam sa akin.

Na huwag ko raw'ng hayaan na makita nila ang kahinaan ko kasi 'yon ang gagamitin nila para maslalo pa akong durugin.

Palagi kong nakikita si tatay noon na umiiyak sa kwarto niya habang nakahiga at yakap-yakap ang larawan ni nanay na akala mo'y nachugi na.

Ang gulo rin kasi ng love life nila, sa totoo lang. Nabuntis lang kasi ni tatay si nanay noong kabataan days nilang dalawa. Apaka taray naman ni nanay!

Katorse pa lang si nanay no'n no'ng lumandi siya kaya maaga siyang nabuntis at dahil simpleng magsasaka lang si tatay, hindi pumayag si daddy, which is ang lolo ko, na ipakasal silang dalawa.

Kaya ang nangyari, ipinagkasundo nina lolo at lola si nanay sa anak ng kanilang business partner pero hindi pumayag si nanay at nagtanan silang dalawa ni tatay. Masaya pa raw silang dalawa noon hanggang sa maipanganak ako.

Naghirap raw kasi sina tatay noon kasi masakitin akong bata-Noon! Masakitin akong bata noon. Healthy na ako ngayon. Nasiyahan din kayo, eh. Echosera!

So 'yon, ang nangayari bumalik si nanay sa bahay nina lolo para sana humingi lang ng tulong pero hindi na siya bumalik pa. Nalaman nalang namin na pumunta na pala siya ng abroad kasama 'yong lalaking ipinagkasundo sa kanya noon kapalit ng lahat ng expenses ko sa ospital.

Simula sa araw na 'yon, kinamuhian ko na si nanay na sana'y 'di pala dapat. Sina daddy sana ang dapat kong kamuhian pero ewan ko ba. Pakiramdam ko kasi talaga ibinandona kami ni nanay. 'Yon kasi talaga 'yong tumatak sa isipan ko.

Mahal kasi talaga ako nina daddy kaya hindi ko naisip na magalit sa kanila kahit sila naman talaga ang mastermind ng paghihirap ni tatay at alam kong maski si nanay, nasaktan din.

Ewan ko, parang gusto ko lang talagang makahanap ng masisisi noon. Kahit ngayon, may sama ng loob parin ako kay nanay, pero naintindihan ko naman na.

Nasaksihan ko lang kasi talaga lahat ng hinanakit ni tatay noon nang dahil sa kanya-alam ko kung gaano kasaklap ang maiwan. Nakakatakot masaktan pero dahil echosera nga ako, sumugal ako.

Malas ko lang at ako 'yong natalo.

Gusto kong isipin na magiging okay lang ang lahat, kasi sila nanay nga naging okay, kaya magiging okay din kami pero kasi hindi 'yon gano'n kadali, eh. Kasi iba ang takbo ng kwento ko sa kwento nila.

Ang sakit lang! Paulit-ulit ko nang sinasabi sa sarili ko na tama na pero ni minsan hindi ko 'yon pinakinggan. Kaya ngayon hindi ko na alam kung saan ako magsisimulang buohin ang sarili ko o kung mabubuo pa ba talaga ako.

Tatlong buwan na ang nakakalipas nang putulin namin ang lahat nang nag-uugnay sa aming dalawa ni Luhan-Char! Para namang meron kaming puputulin, eh, wala naman palang kami.

Ever since then, hindi na ako bumibisita sa kanila. Naging tahimik na rin akong tao at mas naging snob at mas naging plastik na sa personal.

Lumalala narin ang saltik ko sa utak. One time nga sa sobrang lutang ko, nakita ko na utak ko kasama ang mga birds at nag fly away siya kasama nila. Hahaha charots lang! Puro iyak lang kasi ang nagawa ko sa loob ng tatlong buwan na 'yon.

Inilabas ko lahat ng saloobin ko. Lahat ng galit at kalandiang nalalaman ko.

Pero siyempre, joke lang! Wala naman kasing katapusan ang kalandian ko kasi sa loob din ng tatlong buwan na 'yon, kasama ko si Byun.

Siya ang palaging nandiyan para sa akin. Siya ang palaging nakakatikim ng sigaw ko na strawberry flavor. Siya palaging sumasalo ng mga masasakit na mga salita dahil nga magkapatid lang sila at may anggulo talagang nakikita ko si Luhan sa kanya pero kailan man, hindi niya ako iniwan, hindi siya nagalit.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon