Chapter 35

443 305 41
                                    

SHYE's POV

Kanina pa ako nakatulala habang nakatitig sa makulimlim na langit. Aalis na nga sana kami kaso na postpone 'yong flight namin dahil sa masamang panahon.

Humugot ako ng hininga saka bumalik sa kama't humilata.

Hindi parin talaga lubusang nadadigest ng maganda kong utak ang nangyari kanina.

Supposed to be masaya ako, 'di ba? Kasi may first kiss na ako and take note, si Baekhyun pa! Ang dakilang Byun ng EXO. Kaso parang maslalo lang akong nasaktan, eh.

"Mahal na mahal kita, Shye. Sa puntong kahit ano'ng sakit kakayanin ko."

Napakagat ako ng labi nang maalala ko ang mga sinabi ni Byun kanina. Ramdam na ramdam ko ang hinanakit niya habang nagsasalita at yakap-yakap ako.

Ayaw kong nasasaktan ang kaisa-isang taong nagpapasaya sa akin tuwing malungkot ako. Ayaw ko ng gano'n! Si Luhan nalang sana ang masaktan, please!

Lumabas naman agad siya ng kwarto ko nang hindi ako tinitignan. Sabi niya pa na dapat daw ayusin ko na sarili ko at pupunta na kaming airport. Hindi naman kasi ako sira, tangina niya!

Mygosh lang, Byun! Kinuha mo na nga first kiss ko, eh, iniinsulto mo pa ako.

"Pasok," sabi ko nang may kumatok.

Nakatingin lang ako sa maputing ceiling ng milyonaryong si Suho kaya hindi ko alam kung sino ang pumasok. Bahala siya diyan! Hindi siya peymus para tignan pa habang papasok, ano?

"Are you mad at me?"

Napaismid ako nang marinig ko ang boses ni Byun. Ay! Peymus pala.

"Oo, bakit?" Sabi ko saka siya tinitignan pero kahit gano'n, ramdam ko parin ang pagsimangot niy.a

"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya, eh. Nadala lang talaga ako."

"Kung tadyakan din kaya kita dahil nadala lang din ako?" Untad ko saka umupo. This time, magkaharap na kami.

"Sorry na nga, eh. First kiss ko din naman 'yon kaya fair lang tayo," pagrarason niya pa, akala mo naman masisiyahan ako do'n. Well, tama naman siya.

"Gustong matapunan ng Mcbook air?" Banta niya pero tinawanan niya lang ako.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Gusto mo ata talagang matapunan ng Mcbook air, eh," pag-ulit ko.

"It's okay. Wala ka namang matatapon, eh, kasi wala ka namang Mcbook air."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Umalis ka, umiinit ulo ko sayo!"

Banta ko pa pero nginitian niya lang ako at tumabi sa akin sa pag-upo sa kama.

"Ang kyut talaga ng Sha-Sha ko."

Napaatras ako nang pisilin niya ilong ko.

"Feeling close mo din masyado, eh, ano?"

"Excuse me, miss Padua, we're already as close as our pinky and ring finger," sabi niya pa habang pinapakita sa akin 'yong mga daliri niyang kay gaganda. Kingina!

"See?" Masaya niyang sabi habang ako nakapocker face lang.

"Byun! Kung nagpapasikat ka lang diyan sa mga daliri mo mabuti pa't lumabas ka nalang," untad ko kaya muli siyang natawa.

"Hindi naman, eh. Close lang kasi talaga tayo parang ganito," sabi niya saka ulit pinakita 'yong mga daliri niya.

"Hindi naman, eh. Masclose kaya ang pointing at middle finger," saad ko saka pinakita sa kanya ang pandak at walang kwenta kong mga daliri.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon