Chapter 19

593 355 101
                                    

SHYE's POV

Isang malamig na bagay ang gumising sa akin mula sa himbing kong pagtulog.

Dahan-dahan akong namulat. Agad namang
bumungad sa akin ang puting ceiling.

Just like most lead ladies in movies would ask, tatanungin ko rin sana ang sarili ko ng, "Am I already dead?" kaso alam ko naman nang buhay pa ako at hindi basta-bastang namamatay ang masasamang damo kaya 'wag nalang.

Kumurap-kurap pa ako bago ko naisink-in ang nangyari kanina.

Akala niyo siguro nakalimutan ko na? Pwes! Hindi! Hindi pa ako ulyanin! Magbabayad pa sa akin ang mga hinayupak na 'yon.

'Yong cash dapat! No exchange, no returns.

"Thank God you're awake!"

Nilingon ko ang taong nagsalita. Nakita ko si Byun habang hawak-hawak ang isang Ice pack. Nakaupo lang din siya sa tabi ko habang nakatingin sa akin ng seryoso.

"Jinjja?"

Bigla nalang sumulpot galing kung saan ang iba. Alalang-alala sila sa itsura nila ngayon. Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko, alam ko naman 'yon.

"They're really a bunch freaks!"

Galit na untad ni Byun kaya nasiko siya ni Lay. Tinignan naman niya ito saka nagsalita.

"What? I'll say whatever I want, hyung," dagdag niya pa. "Those sasaengs really did it this time!"

Medyo tumaas kilay ko. That sasaeng word kinda rang a bell.

Lumingon ako sa kabilang side ng kama'ng kinahihigaan ko ngayon kung saan nakatayo si Chanyeol.

"Ano pala 'yong sasaeng?" Pabulong kong tanong.

"Obsessed fans," pabulong niya rin'g sagot.

Napatango-tango nalang ako.

Obsessed fan! Hmm, 'yon 'yong tinawag sa akin ni Naruto no'ng mag-eskrima kami sa mansyon, eh.

"There's no stopping them," dagdag ni Chen na nasa paanan ko banda. "They even knew we're coming even if it's secret."

"Those motherfuckers made me sick to my stomach," galit na namang sabi ni Byun kaya muli siyang nasiko ni Lay.

"I'm sorry, hyung. I'm just really frustrated because of what happened to Shye," napahilamos siya't kitang-kita ko ang frustration sa namumula niyang mukha.

Bahagya kong nakagat labi ko.

Ngayon ko pa lang nakitang ganito kagalit si Byun. Nagagalit naman siya noon kapag iniinis siya ni Chanyeol pero ngingiti rin naman agad siya.

Kaya ibang-iba 'yong aura niya ngayon. Feeling ko lalapa na siya ng tao. Well, feel ko lang naman. Feelingera ako, eh.

Nagkaroon ng kaunting katahimikan saglit pero agad rin naman itong binasag ni Suho. Naglakad ito papalapit sa akin at huminto sa tabi ko.

"Are you still hurting?" Tanong niya't umiling ako.

"How about your rib?"

"Rib?" Medyo gulat kong tanong at kinapa tagiliran ko.

Agad kong itinaas suot kong T-shirt para tignan ito't nagulat nalang at nagkapasa-pasa ito.

Tumingala ako't pansin kong nakatalikod silang lahat.

"Ano ba 'yan, Shye! Napakababoy!" Reklamo ni Chen, natawa nalang ako't agad itong ibinaba.

"Oh, ibinaba na," ngumuso ako. "Arte, kala mo naman 'di mukhang babae hahaha."

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon