Chapter 48

348 294 12
                                    

AUTHOR's NOTE: Hello! To those who didn't know, Baekhyun (Byun) and Zhera's story is actually "She Who Burns Bridges" which can also be read here. Kindly check it! The names were just changed as well as the plot kaya I call it a multiverse version. It has been published somewhere kasi kaya nagkaganyan ahaha. Infringement kasi 'yon. Pasenya na. Anyways, here's the next chapter. Enjoy!

* * *

SHYE's POV

"Good morning, sleepy head."

Napaungol ako nang may naghawi ng buhok ko sa mukha. Tinapik-tapik niya pa talaga pisngi ko kaya napakusot ako ng mata saka dahan-dahang umupo.

Matamlay akong napakurap-kurap saka nag-inat. Ewan ko lang pero mukhang narinig ko ata ang boses ni Luhan, eh.

Suminghot-singot ako ng nakapikit.

At naaamoy ko rin ang itim niyang salamangka!

"Had sweet dreams?"

Agad akong namulat nang marinig ko talaga boses niya't mabilisan akong napalingon sa tabi ko. Agad akong naptalukbong ng kumot nang makita ko nga ang ulupong sa aking tabi.

Kanina pa ba siya dito? Pinagmasdan niya ba kung paano ako matulog? Taena! Nakanganga ako, eh! Baka tumulo pa laway ko nagkandaleche-leche na! Nakakahiya!

"Anong ginagawa mo ditoooo?!" Tili ko nang nagtalukbong din siya gamit ang kumot ko kaya nagkita kami sa ilalim.

Napakaripas ako ng atras kaya tuloy, nahulog ako ng kama.

"Aray!" Sapo ko agad ang pwetan ko't rinig ko talaga kung paano ito madislocate.

"Omo! Are you alright? I'm sorry!" Agad naman siyang rumesponde saka ako tinulungan sa pagtayo. Nahampas ko talaga braso niya sa inis.

"Sorry na nga, eh," nag pout pa talaga siya kaya imbis na mainis, natawa nalang ako.

"'Wag ka nga! Bakit ka ba nandito?"

"To be with my girlfriend," kaswal niyang sagot saka niya idinampi ilong niya sa pisngi ko.

Rinig na rinig ko tuloy 'yong hininga niya. Jusko! Ang bago din ng hininga niya, mga bes! Paano nalang 'yong sakin? Eh, hindi pa nga ako nakapag hilamos ni mugmog man lang.

"Lumayo ka nga muna," sabi ko saka siya tinulak ng mahina. Lumingon pa ako palayo. "Mabaho pa ako. Kakagising ko lang kasi siguro! Ang gulo-gulo pa ng buhok ko. Mukha akong tae baka ma turn off ka lang sa akin."

Hinikbitan niya lang ako ng balikat at imbes na lumayo, niyakap niya pa niya talaga ako patalikod. Nanigas tuloy ako. Bakit ba ang hilig-hilig niya sa mga ganitong set-up?

"I don't care how you smell or look like. It won't change my feelings for you tho because I love everything about you."

Napangiti ako sa sinabi niya. Tengene nito! Pakiramdam ko tuloy nagpaparty-party na ang mga organyo ko sa katawan.

Ikrinus ko ang magkabila kong braso para mayakap ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko. Hindi ko ikanalakang ganito pala ako kamahal ng isang jinjuriki huhuhu.

"Mahal na mahal kita, Lu," bulong ko. Rinig ko siyang tumawa ng mahina saka niya isiniksik ang mukha niya sa batok ko.

"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal din kita, Sha," bulong niya rin.

"Ay ang agang naglalandian, mga batang ire!"

Ngali-ngali kaming naghiwalay ni Ethan nang umexpose na naman muli si nanay. Nakatayo lang si aleng Tinay sa may pintuan habang nilalantak ang hawak niyang ice cream na may 메로나 na nakalagay.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon