Chapter 51

493 302 57
                                    

SHYE's POV

Tatlong araw na ang lumipas simula no'ng pagkikita namin ni Yuna pero hindi ko parin magawang kalimutan ang sinabi niya.

Wala naman siguro siyang gagawin diba? Joke lang ata talaga niya siguro 'yon. Hindi rin kami masyadong nagkikita ni Ethan the past three days at mukhang may problema siya.

Last time kasi no'ng magkasama kami, palagi lang siyang nakatulala sa kawalan. Tinanong ko siya kung anong problema niya pero 'di naman niya ako sinasagot. Pagod lang raw talaga siya. Pero alam ko namang hindi siya nagsasabi ng totoo.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko 'yong mga salitang binitawan ni Yuna. She's not gonna kill me, right? Baka nabaliw na pala ang babaeng 'yon nang makipaghiwalay sa kanya si Ethan. Naku pu! 'Wag!

"Shye, ohh!" Bumalik ako sa wisyo nang hinila-hila ni Tex ang kamay ko.

"Ayaw talaga akong pahiramin ni Chen hyung, eh!"

Sa totoo lang kanina pa 'to ungol ng ungol 'tong lalaking 'to. 'Di ko naman siya mabatuk-batokan at martial artist nga, 'di ba? Baka mahalikan ko lang 'y9ng wushu stick niya ng wala sa oras.

"Chen, pahiramin mo!" Bulyaw ko saka siya pinandilatan ng mata.

"Eh, sa naglalaro pa ako, Shye!" Bulyaw niya rin sabay talikod.

"Ahh Shye, oh!" Ungol na naman ni Tao habang hila-hila ang laylayan ng damit ko.

Napatampal nalang ako ng noo. Taena! Bakit ba ako pumunta dito, ha? BAKIT?

Wala pa naman 'yong iba ngayon at ewan ko kung saan sila nagsiliparan. Si Byun din kasi, as usual, binisita ang fiancé niyang buntis. Si Luhan naman, ewan, may lakad raw siya, eh. 'Di ko nalang din tinanong. Wala naman akong pakialam do'n, echos!

Ayaw ko lang siyang estorbohin talaga at baka ma-stress lang siya lalo.

Kaya ito ako ngayon, nagmistulang nanay ng mga tulangis na 'to. Kanina pa kasi nila pinag-aagawan 'tong PSP. Ipalunok ko pa sa kanila 'yan, eh!

"Chen, pahiramin mo sabi, eh. Isa!" Pagbilang ko. "Dalawa!" Dagdag ko pero umiling-iling lang siya. "Chen, 'di ako marunong magbilang ng tatlo."

Iiling na sana siya nang hilahin ko 'yong PSP saka itinuktok sa noo niya.

"Aray!" Hiyaw niya nalang habang himas-himas ito.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan, Chen?!" Untad ko kaya agad siyang napailing. "Walang maglalaro!"

"What's happening?"

Napalingon ako sa gawing kanan at nakita ko si Dyo. Nakasunod din naman sa kanya si Jennina habang bitbit-bitbit ang mga groceries na pinamili nila.

"Ayaw kasi akong pahiramin ni Chen hyung ng PSP, eh," pagsusumbong ni Tao. Nakatingin pa siya kay Kento na para bang iiyak ito.

"But I'm still playing. 'Di naman kasi siya makapag-antay 'to," depensa naman ni Chen.

Hindi kumibo si Dyo, binalingan niya lang ako. "Where's that thing?" Tanong niya't inabot ko agad ang PSP.

Naglakad siya papalapit sa akin saka ito kinuha at pasimpleng naglakad papalayo. Nagulat nalang kaming lahat nang ihulog niya ito sa aquarium saka siya umalis papuntang kusina na para bang walang nangyari.

"Omo! Mianhe, oppa!" Nag bow pa ng ilang ulit si Jen bago siya tumakbo papasunod kay Dyo. Naiwan tuloy'ng tulala sina Chen at Tao.

"'Yong PSP ko, Tao," bulong ni Chen habang nakatingin sa PSP niyang lumulubog at nakipag swimming with the gold fish.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon