Chapter 53

396 292 27
                                    

SHYE's POV

Parang kahapon lang 'yung nagising ko si Luhan mula sa pagkakatulog niya sa sofa at habulin niya ako ng walis.

'Yong mga araw na binubwesit ko siya. Parang kahapon ko lang siya minahal. Parang kahapon lang ang lahat at sa isang tulugan lang, naging ala-ala nalang ang lahat.

Hindi ako lumalabas ng kwarto ko at maski si tatay ayaw kong papasukin. Ayaw ko nang may kausap.

Muntik ko na ngang lunurin ang sarili ko sa bathtub kaso wala akong bathtub sa loob kaya sa inodoro nalang kaso mukhang madumi, eh, kaya hindi ko nalang itinuloy. Magkasakit pa ako, tangina! Mahal gamot.

Nanatili lang akong tahimik sa byahe papuntang airport. Pakiramdam ko kasi guhong-guho 'yung mundo ko.

Yes, hindi ako sumipot sa kasunduan namin ni Luhan. Hindi naman talaga 'yon kasunduan, eh. Siya lang naman may sabi no'n, tinutoo ko lang ang sagot ko.

Dyo tried convincing me, but my decision has been made final the moment Yuna stepped into the picture once again. Hindi ko siya kilala at wala akong planong kilalanin siya, but Luhan said she's kind; that's all there is.

Kaya itong mga pinaggagagawa niya ngayon, I'm sure nagawa niya lang dahil sa pagmamahal niya sa lalaking minamahal ko rin. Technically, nang-agaw ako ng boyfriend and that's so messed up. I've been there, it's just that, Matt is not worth the fight.

Right now, it's Lu Han we're talking about-he's worth every fight, every pain-kung ako lang naman masasaktan, kaya ko siyang ipaglaban talaga kahit patayan, pero sobrang dami ng madadamay.

Target niya mga taong importante sa akin, ano'ng laban ko do'n? I made her look like the villain; she might really is-currently-it's because she's hurting.

It's really scary what anger can turn a person into kaya magpapakalayo-layo nalang ako bago pa magdalim ang paningin ko't pagsisihan pa ang mga magagawa ko.

Ayaw kong umalis sa totoo lang pero kailangan ko ring tulungan ang sarili ko. Baka ikamatay ko na kasi kapag nagtagal pa ako dito-baka bigla pa'ng magbago ang desisyon ko; bwesit pa naman ako minsan.

Pakiramdam ko ang tagal-tagal ng byahe kaya napagpasyahan kong basahin ang mga texts na pumasok sa inbox ko no'ng in-unable ko na ang Airplane mode.

Nagulat nalang ako nang bahain ako ng text ni Suho.

"Sha! Where are you? It's me!"

"Sha? Please answer my call! Where are you?"

"Sha! Tatakas ako! Tatakas tayo! Hindi ako papayag na mawala ka pa ulit sa akin."

"I really can't do it, Sha! I can't be with someone I don't love!"

"Please answer my call!"

"Sha, mahal na mahal kita!"

"Yuna changed my phone number. Please answer our calls."

"Kristine Shye Padua! Neomu saranghae!"

Napaawang 'yong bibig ko sa aking nabasa.
Sakto rin namang nakarating kami ng airport kaya agad akong bumaba saka indinial ang number ni Suho.

Nangingilid ang mga luha sa mata ko habang hinihintay siyang sumagot.

"Hello? Sha?"

Tumulo mga luha ko nang marinig ko ang boses niya.

"Lu?" Hagolgol ko. "'Di ba nag-usap na tayo? Tama na dapat, 'di ba?! Hindi ka ba talaga nag-iisip?!"

"Shhh! It's okay, Sha. Everything's already fine. Suho's grandfather helped me so Yuna had no choice but to let me go."

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon