Chapter 39

429 308 36
                                    

SHYE's POV

May isang bagay lang talaga akong sigurado sa mundo. Masasaktan ka kapag minahal mo 'yong taong dapat ay kinakaibigan lang.

Ang gulo lang niyang timawa siya. Para siyang buhok na nagkabuhol-buhol sa sobrang gulo. Para siyang penmanship ni Chanyeol; para siyang kabulolan ni Sehun-walang lunas!

Palibhasa gwapo siyang kengkoy siya. Nakakabanas na!

Kanina kasi pinagtaasan niya ng boses si Byun nang biglaan akong niyakap nito.

Alam ko namang may feelings din siya sa akin pero sana naman marunong din siyang lumugar nang 'di na ako umasa. Oo at iniiwasan niya nga ako pero sa tuwing magkasama naman kami sa hapagkainan o sa mga meeting nila, palaging mainit ang ulo niya kay Byun sa tuwing lalapit ito sa akin.

Akala ko ba strangers na kami?!

Shunga pala siya, eh! Hindi naman sa gusto kong mapasaakin siya't magpakawalang-hiya nalang, pero sana naman, kung hindi niya naman pala kaya na makita kaming masaya ni Byun, eh, ayusin niya ang desisyon niya.

Kung ako, ako. Kung si Yuna, si Yuna.

Hindi 'yong kapag magkasama sila, siya ang pipiliin, pero kapag andito naman siya, ginugulo niya kami ni Byun. 'Wag naman sana'ng gano'n nang matutunan kong mahalin 'yong tao ng buong-buo.

BAKULAW KA TALAGA, LUHAM! Ang kapal ng panga mong kunin 'yong puso ko tapos paglaruan. Apaka walang-hiya mo'ng inamoka!

Isa pa ang Byun na 'yon na kanina ko pa hindi makita. Cannot be reached naman kapag tinawagan tapos ang nakakainis lang kasi sabi niya magde-date raw kami mga bandang seven ng gabi pero hanggang ngayon hindi pa dumadating. Eh, 12:45 AM na.

Luhan the second din ang kalo-kalo!

Napanguso ako sa sobrang irita kahit nagmukha lang akong pang-apat na miyembro ng tatlong bibe. 'Yong pang-apat nilang miyembro na ubod ng ganda at snob. Tse!

Padabog akong naglakad pabalik ng kwarto ko. Pinapatulog narin kasi ako ni Dyo kaya ito, wala akong magawa. Saksakin pa ako no'n, eh. Nauulol pa naman 'yon minsan.

"Yes, I know that. I love you, too."

Napatigil ako sa paglalakad at agad na dumikit sa pader nang marinig ko ang boses ni Luhan.

I love you raw, oh!

Napairap nalang ako sukdulan hanggang langit. Nakaawang kasi ang pinto ng timawa kaya rinig na rinig ko ang kalandian nilang dalawa ni Britney Spears.

Nananadya ba talaga siya? Suntukan nalang kaya?

"Do we really have to do this? Shye might get in trouble if we do," seryoso niyang sabi.

Ay teka! Shye raw, oh. Ako 'yon diba?

Kay gandang pangalan naman talaga amp.

At dahil chismosa akong tao, maslalo kong ipinihit katawan ko sa pader saka ako dahan-dahang pumalapit sa pintuan para pakinggan ng maayos ang pinagsasabi ni Luhan-ang jinjuriki ng taon.

Excited na sana ako sa sunod na sasabihin niya nang may biglang nagtakip ng bibig ko at hinatak ako papalayo sa kwarto niya.

Nagpumiglas pa ako with all the sigaw effects pero wala akong laban sa demonyong biglang humila sa akin. Ang lakas niya!

"Aigoo~ relax ka lang, Shye. Ako 'to!" Ungol niya nang sikuhin ko siya sa sikmura.

Napatakip ako ng bibig nang marealize kong si Byun pala ang demonyong nanghila sa akin.

Makokonsensya na sana ako sa nagawa ko nang marealize kong pinag-antay pala ako ng gago'ng 'to ng ilang oras sa sala.

"Nako! Ayos ka lang?" Sarkastiko kong tanong. "O baka gusto mo'ng suntukin pa kita sa puson?!"

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon