Chapter 5

937 550 178
                                    

SHYE's POV

Sabi nila, kapag broken hearted ang isang babae, natatakot na raw itong magmahal pa ulit.

Pero tangena ehehe. Chismis lang pala 'yon kasi ako? Parang in love na ulit ako at kay Byun 'yon——kacharotan!

Nagulat ang lahat sa sinabi niya kaninang girlfriend niya raw ako kaso binawi niya naman din agad. Sabi niya girlfriend stands for babaeng kaibigan.

Edi wow! 'Di naman ako umasa huhu.

Aakuin ko namang girlfriend niya ako, eh, kaya sana 'di nalang niya binawi. Naiintindihan ko naman na baka nahihiya siya't ang ganda ng girlfriend niya tapos siya, isang hamak na Baekhyun Byun Falcon lang huhuhu.

Deserve ko rin kasing magkaroon ng boyfriend na hindi ako natatalbugan sa pagiging maganda. Mas mukha pa kasi talaga siyang babae kaysa sa akin. Actually, silang lahat dito!

Ako ata lalaki dito. Nagsisimula na akong kwentyunin kasarian ko, utang na labas, tulungan niyo ho ako!

Nakabalik na pala ako ngayon sa sala kasama sila, silang lahat, kaya parang yelo na ako dito sa lamig.

Pinapalibutan nila ako, buti nalang at katabi ko si Byun. Naiibsan ng kaunti ang nerbyos ko.

'Yung may saltik naman sa utak na si Luhan. Hayan! Nakaupo sa mismong harapan ko habang sinusukat ako ng tingin.

Kaimbyerna talaga. Hindi na nga nag-sorry, parang nanliliit pa kung makatingin.

Nananaksak pa naman ako ng kyut at pogi na may orange na buhok! Baka 'di niya alam, sabihan mo, Byun.

"Where on earth did you pick this girl?" Napataas kilay ko sa sinabi niya.

"Ano ba, hyung! Hindi ko siya pinulot kong saan. I told you she's my friend," halatang naiirita na si Byun pero pilit niya paring ikinakalma sarili niya.

"Woah! Ith thith for real? Baekhyun hyung getths annoyed?"

Bulol na tanong ni Sehun.

"What was that again, Se?" Tanong ni Kai saka sila nagtawanan.

"Hala! Oo nga," pagpapatuloy ni Chanyeol sa topic. "This boy, right here, never gets mad or annoyed, but now——ohhh! That's new."

"Baka magkatotoo 'yong sinabi mo kanina, hyung, ah?" Natatawang sabi ni Chen.

Nanatili akong nakatunganga habang ina-analyze ang pinag-uusapan nila. Dapat ba umalis nalang ako dito? Nakakahiya naman sa kanila.

"Stop it! You're pressuring her!" Namumulang sagot ni Byun.

"Oh? Bakit ka bilang kinilig diyan, Byun?" Panunukso ko nang ma gets kong tinutukso pala nila si Byun sa nagiging reactions niya. Slow mo naman, brain. Umayos ka, ah!

"O-of course not!" Pautal-utal niyang sabi kaya pinagtawanan na naman nila ulit siya. Nakitawa narin lang ako para naman 'di ako ma-out of place.

Mindset ba, mindset!

Halos lumabas na gilagid ko nang aksidenteng magtama ang mga tingin namin ni Luhan.

Nakataas magkabila niyang kilay at para bang diring-diri siyang makita ako.

"Anong tinitingin-tingin mo?"

Maangas kong tanong pero ang aburidong may orange na hair, inirapan lang ako't umiwas ng tingin. Ngali-ngali ko tuloy'ng nabuhat 'tong sofa'ng inuupuan namin saka ko hinampas sa kanya.

Pero syempre, joke lang 'yon. Mabigat kaya nito, mabinat pa ako. Bahala siya diyang magpaka-stress. Palibhasa, mukhang babae!

"So, pa'ano? Bukas, ah?" Nakangiting sabi ni Byun.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon