FINALE

29 15 2
                                    

SHYE's POV

Sabi nila, sa panahon ngayon, swerte mo nalang talaga kung makakahanap ka pa ng true love—parang kagaya ko lang; sana ikaw din amp.

Ang lambot parin ng katawan ni Luhan kahit ang laki ng ipinayat niya. Ang init din ng katawan niya. Ipinahahayag lang nito na andito na siya, kasama ko; na hindi ito panaginip—totoo lahat!

Agad naman akong kumalas para tignan siya.

"Teka! Ayos ka na ba? Bakit ka na tumayo? Baka mapano ka pa! Tara balik tayo sa kwarto mo!" Sunod-sunod kong sabi pero nanatili lang siyang nakangiti.

"I already woke up four days ago so I'm feeling quite fine already," kaswal niyang sagot.

"Four days ago?" Bulong ko. "Four days ago pa tapos 'di mo man lang ako tinawagan? Naghintay ako sa mansyon!" Ungol ko.

"It's because I wanted to surprise you," nag pout pa siya. "Hindi mo man lang naappreciate ang effort ko at ng pera ni Suho? Ikaw kasi agad ang unang pumasok sa isip ko—naming lahat pagkagising na pagkagising ko."

Natawa ako ng mahina. Patuloy paring umuulan ng rose petals dito sa loob hanaggang sa mabaon na mga paa namin.

So that explains all of these.

"So no'ng umalis ako nagising ka na?" Tanong ko at tumango siya.

"Nagpalakas ako sa loob ng apat na araw para kapag nakita mo ako, hindi ka na mag-alala pa," sabi niya kaya napangiti ako. "This time, I made sure na wala na akong nakakalimuta," ngumisi siya. "I did all the necessary tests kaya sure na sure ako'ng hindi nabawasan 'yong memories ko sayo."

Niyakap niya naman ako ng sobrang higpit.

"Thank you for waiting for me, Sha," bulong niya.

"And thank you, too, for coming back," bulong ko rin.

"Ayeeehhh!"

Napalingon ako sa bandang kanan at nakita ko silang lahat. Pati sina Suho, Kris, Zhera, at Byun, nandito din. Nakatingin lang silang lahat sa amin ni Luhan habang nakangiti.

"Thanks for all of these, you, guys!" Sabi ko saka kumalas ng yakap at hinarap sila. "Kahit na mukhang inuto niyo lang ako simula pa elevator hanggang sa undre contraction sa hagdan at mukhang nauna pa kayo sa akin dito."

"What's undre contraction?"

Sabay-sabay nilang tanong saka tinignan si Chen nang magets nila. Ngumisi lang ang tulangis saka nag peace sign.

Natawa nalang ako nang duru-duruin siya no'ng iba.

Tinignan ko si Luhan nang hawakan niya kamay ko at hilahin ako papunta sa harap ng isang pintuan.

Ang lawak ng mga ngiti niya kaya hindi ko naiwasang hindi maging emosyonal.

Okay na siya, 'di ba? Hindi na siya matutulog ng gano'n katagal, 'di ba? Totoo na ang lahat ng 'to, 'di ba?

"I want to show you something," sabi niya bago niya binuksan 'yong pinto.

Naningkit mga mata ko nang tamaan ito ng liwanag mula sa labas.

Inilagay ko braso ni Luhan sa balikat ko para tulungan siya sa pagtayo. Hindi sapat ang fours days lang. Alam kong nanghihina parin ang katawan niya.

"Let's go there," sabi niya saka tinuro ang wooden bench sa may unahan ng veranda.

"Lu? Baka makasama sayo 'tong ginagawa natin. Malamig pa naman dito."

Nag-aaalala kong tanong pero ngumiti lang siya. Dahan-dahan ko siyang pinaupo bago ako umupo sa tabi niya.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon