Chapter 34

511 313 50
                                    

SHYE's POV

Ewan ko kung ilang minuto na ang lumipas simula no'ng humugot si Byun at hanggang ngayon nagkakatitigan parin kami.

Alam kong malandi ako kaya maiintindihan ko ang sarili ko kung bakit gusto kong magsisisigaw ngayon sa kilig, but this ain't it.

Kinikilig nga ako, pero hindi 'yong typical na kilig na nararamdaman ko noon. This one feels different-I feel at peace.

Napakurap nalang ako ng mauna siyang umiwas ng tingin saka tinakpan mukha niya. Pansin ko ring namumula siya.

"Uy, Byun? Ayos ka lang?"
Nag-aalala kong tanong.

Hahawakan ko sana pisngi niya pero lumayo siya saka tumayo at naglakad papuntang fridge.

"I'm fine. I got thirsty all of the sudden," mabilisan niyang sagot saka binuksan ang fridge at kumuha ng juice saka lumagok ng ilang ulit.

Problema nito? Napairap ako. Gusto ko pa sana siyang tanungin kaso wala akong time para diyan. Next time nalang.

Nagsimula na akong kumain. Bumalik naman agad siya sa harapan ko saka ako tinitigan.

Huminto ako sa pagkain.

"Byun? Feeling kong may gumugulo sayo. Anong problema?" Tanong ko pero umiling siya.

"Nothing," sabi niya saka nagsimula naring kumain. "Bakit mo naman nasabing may gumugulo sa akin?"

Naghikbit-balikat ako saka umiling.
"Ewan, gano'n lang talaga siguro ako ka feelingera."

Tumawa lang siya't muling napailing.

"You're really one of a heck!"

"Basagan kaya kita ng plato sa noo?" Untad ko. "Maka heck ka diyan, eh, parang ang bobo-bobo kong kausap!"

Muli akong umirap at umiwas na ng tingin bago ko pa makalimutang may nakaraan pala kaming dalawa. Char-char lang hahaha.

"Shye?" Napatingin ulit ako sa kanya nang magsalita ulit siya.

"Oh?" Sumubo ako.

"What if dumating ang panahon na kailangan niyo nang tapusin ang kung ano mang namamagitan sa inyo ni kuya, ano'ng gagawin mo?"

Natigilan ako sa pagnguya dahil sa sinabi niya.

Ano'ng gagawin ko?

Ano nga bang gagawin ko?

"Uuwi sa bahay at ipagpatuloy ang pagmomodelling," prente kong sagot at agad naman akong nakatanggap ng toktok sa noo.

"Sa joke lang, eh," ungol ko't hinimas ng mabilisan noo kong tinamaan.

"Eh, kasi ang seryo-seryoso ko na," pagrarason niya pa.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Ewan," bulong ko. "Ayaw ko na kasing isipin kasi paniguradong umiiyak ako sa araw na 'yan."

Ngumisi ako saka tumusok ng hot dog. "Pero huwag kang mag-alala, Byun. Makakapag move-on din ako. Tiwala lang huwag umasa, masakit 'yon hehe."

Tinitigan lang ako ni Byun habang kumakain. Gusto ko sana siyang barahin pero wala akong gana.

Tsk! Bakit lately naging ganito na ako? Hindi ako ganito, eh.

Hindi ako malungkutin. Hindi ako madaling maapektuhan sa mga nangyayari sa paligid ko. Pero bakit ngayon ganito na ako? Sobrang layo na nang narating ko to the point na kahit sarili kong pagkatao nabago ko na.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon