Chapter 11

800 522 109
                                    

SHYE's POV

Ilang oras na rin akong nakatitig sa mga butiki na naka dikit kisame ng kwarto ko.

Hindi na naman ako makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi na halos matake ng aking katawang dyosa!

Naging instant boyfriend ko na nga ang isang jinjuriki, tapos ngayon may instant flight to Korea nalang akong malalaman?

Halos mapunit 'yong bibig ko sa sinabi ng manager eklavu nila kanina nang linawin niya ang lahat.

Next week na pala kasi agad. Wrong info ang tarantadong jinjuriki. Na shock na naman ulit tuloy ako!

May passport naman na ako pero potangina, 'di ko alam kung saan ako magnanakaw ng pera papunta do'n.

"Kung humingi kaya ako kay nanay?" Bulong ko sa sarili ko.

"Oh! As if naman bibigyan ka naman no'n?" Sagot ko rin sa sarili kong tanong.

"Shye, pick up the phone, please."

Natigilan ako nang magsalita bigla 'yong phone ko. Agad ko itong hinanap at napangisi nang makita ko kung sinong tumagawag.

Si Byun kaya agad ko itong sinagot, syempre.

"Hello, Shye?" Panimula niya at ewan ko't sobra na akong kinilig.

"A-Hi Byun," kalmado kong sagot sabay hampas ng mukha sa unan.

"Can you still go out?"

Tumaas kilay ko sa sinabi niya sabay tingin sa wall clock na nakasabit sa pader. Quarter to 10 na pala.

"Gabi na, eh. Bakit?"

"Look outside."

Napanguso ako saka tumayo at naglakad papunta sa harap ng bintana.

Para akong hihimatayin nang makita ko siya sa labas ng gate ng bahay namin habang nakasandal sa pula niyang kotse.

He's just wearing a plain black t-shirt and swag pants, yet he looks so daring.

Agad naman siyang napangiti nang makita ako.

"Yappeuda," bulong niya.

"Huh?"

"I said, you look so cute even with that messy hair," pangiti niyang sabi.

Feel na feel ko na 'yong mga malalantong kong dugo na nag-uunahan sa pag-akyat sa mukha ko kaya feel kong ang pula-pula ko na ngayon.

"Kailan ka pa natutong magsinungaling, ah?" Tumawa pa ako pero ginantihan niya lang ako ng isang matamis na ngiti.

"Groundless accusations are punishable under the court of law, miss Padua. Mabuti pa't lumabas ka dito," nginisihan niya pa ako kaya wala na akong nagawa kung 'di ang lumabas.

Tangina, rupok, eh!

"Hi," bati niya pagkalabas ko ng gate.

"Hello," sagot ko rin.

"Gala tayo."

'Di na ako naka-angal at agad niya na akong hinila papasok ng kotse. Gaya ng usual naman, siya ang nagkabit ng seatbelt ko kaya naamoy ko ulit 'yong pabango niyang strawberry perfume.

Nakakaadik na talaga 'yang amoy niya na 'yan. Ninay should be proud of me because I'm addicted with Byun, not with drugs muahaha.

"Sa'n ba kasi tayo pupunta, Byun?"

Hindi siya sumagot, bagkus ay ngumiti lang, amp.

Ewan ko lang kung saan na niya ako dinala. Sabi pa niya kasi kanina itatakas niya raw ako mula sa kapatid niya.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon