Chapter 43

425 303 22
                                    

SHYE's POV

Halos 'di parin madigest ng utak ko ang nangyari no'ng nakaraang gabi matapos ako mawalan ng malay dahil sa gutom.

Oo mga bakla at pinahiya ako ng sikmura ko. Potanginang shet!

Sinugod pa talaga nila ako sa ospital kaya 'yon, nagising nalang ako dahil sa pananakal ni nanay buti nalang at sumama si tatay kaya may nakaawat sa dragona.

Naman kasi! Kung sana'y maaga akong pinakain, eh, sana hindi kami naloka do'n. Si Luhan dapat sinakal niya at hindi ako total sa kanya naman party na 'yon.

But kidding aside; maliban sa gutom talaga, nawalan ako ng malay dahil sa biglaang pag drop ng blood pressure ko. Super stressed at depressed kasi ako lately; hindi ako nakapagpahinga ng maayos, ni hindi ako makakain ng maayos. Three months din ako'ng gano'n kaya naging gano'n.

It's nothing serious, hindi naman ako mamamatay kagaya ng mga kwento sa Wattpad naks.

Inis kong inilapag ang bag ko sa upuan saka padabog na umupo. Galit kasi ako, eh! Bakit? Kasi ibinalik ako ng mga gagu dito sa special section kung saan ko ulit makikita at makakatabi ang jinjuriki. Leche lang, eh!

Hindi ko naman makuhang humindi kasi si Lay na 'yong nagmakaawang bumalik ako dito. Alam niyo naman ang lalaking 'yon, apaka inosente. Kapag siya na kausap ko nilulubayan ako ng sapi ko bigla.

Sobrang bait kasi talaga ni Lay. 'Yong nasa ospital pa nga ako, siya at si Byun 'yong nag-alaga sa akin. Si Dyo naman talaga sana 'yon kaso pakiramdam ko sasapian ako ng masamang hangin sa kanya at palagi niya lang akong binubulyawan.

May problema kasi ang pambansang kwago sa lablyp niya. Engage na pala kasi siya tapos mukhang naagrabyado ng dahil kay Jennina.

Oh, 'di ba? Gwapo ni kwags at may dalawang maya siyang initlogan, echos.

At dahil ako palang naman ang nag-iisang most punctual student ever existed at maganda pa, natural, ako pa lang mag-isa.

Kinuha ko phone ko para tawagan si Byun pero ang animas, hindi sumasagot! Nakakailang missed call na ako simula pa kanina. Ewan ko lang din talaga sa isang 'yon, maya't-maya, nawawala.

Andami pang reasons, hindi ko naman tinatanong. Kapag sina Kai naman tinatanong ko sa mga pinaggagagawa nila, sa grupo, wala naman daw masyado.

Kaya ewan ko lang talaga kung saan pumupunta ang hangal.

"LECHEEEEE!" Pagmumura kong tili.

Ako palang naman kasi talaga ang mag-isa dito, eh, kaya kibers! Walang makakapangialam.

"Hmm!"

Napasinghap ako nang may marinig akong boses galing kung saan kaya agad akong napalingon pero wala naman akong nakitang tao.

Napalunok tuloy ako ng hard nang maalala ko 'yong lumang kwento ng mga matatanda tungkol dito sa paaralan namin. Dati raw kasi itong ospital na ibinanduna kasi nasunog.

Marami raw'ng namatay na mga pasyente ng dahil sa trahedyang 'yon kasama ang isang babaeng naaksidente at naconfine kuno dahil sa nakita nito ang nobyo niyang may kachurvahan sa sasakyan nito.

May sabi-sabi pa ngang dito raw 'yong exact na naging kwarto ng babaeng 'yon at nangmumulto raw siya pagsapit ng alas otso ng umaga dahil 'yon raw 'yung oras na namatay ito.

Ngali-ngali kong tinignan ang wall clock at napabuntong-hininga.

7:58 pa kasi. Mamaya pa 'yon, may time pa.

MAY TIME PANG TUMAKBOOO!

"AHHHHH!"

Tili ko at ngali-ngaling tumakbo papalabas kaso naalala kong naiwan ko pala bag ko kaya bumalik ako saka kinuha ito. Nakawan pa niya ako, eh! Mabuti nang ready.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon