Chapter 31

539 324 88
                                    

SHYE's POV

Hindi ako mapakali! Magdedate ba kami bukas? Hindi naman niya sinabing date talaga 'yon pero gano'n na rin 'yon diba? Taena!

Gustong-gusto ko na talagang isaksak sa sarili ko 'tong kutsilyong hawak-hawak ko. O masmabuting kay Suho ko nalang isaksak since siya lang 'tong malapit sa akin ngayon? Sana si Dyo 'yon! Saan na ba 'yong bird na 'yon?

"Sorry, I'm late."

Pareho kaming napatingin ni Suho sa pintuan ng kusina ng may babaeng biglang pumasok. Agad niyang kinuha 'yong isang apron sa lalagyan nito saka sinuot.

Si Jenina pala.

"Saan po si master Kyungsoo?"

Tumaas hanggang galaxy lagpas solar system 'yong kilay ko.

Master? Master Kyungsoo ampota! Taray pala talaga ni Dyo, eh. Suntukin ko na nga talaga 'yon minsan sa puson.

"He's still upstairs," nakangiting sagot ni Suho. "Aalis na muna ako, ha?"

Lumabas naman agad ang milyonaryong si Suho. May pa kembot-kembot pa talaga siyang nalalaman. Natawa nalang tuloy ako nang bigla siyang matapid at sumubsob sa sahig.

Humampas pa talaga mukha niya sa sahig kaya nagsiliparan kung saan 'yong mga ngipin niya.

Muahahaha pero siyempre joke lang naman. Nadulas lang siya uy tapos nakahawak din naman agad sa counter. Mygosh! May tinatago parin palang katangahan ang mga mayayaman, ano?

"Here. Let me!"

Nabaling atensyon ko kay Jennina nang kunin niya 'yong kutsilyong hawak ko at ipinagpatuloy ang pag chop ko sa mga gulay. Bilis ng oras, eh. Lunch na naman agad.

Pinagmasdan ko lang si Jennina. Seryoso! Ang ganda at ang kinis niya. Ano nga kaya ang past nila ni Dyo at naging sunod-sunoran nalang siya nito? May utang kaya 'tong babaeng 'to sa kanya?

At dahil may chismusang dugo ang dumadaloy sa mga ugat, large intestine, at baga ko, tinanong ko na siya.

"Uy? Jen? Pwedeng magtanong?"
Panimula ko. Ngumiti lang siya nang hindi ako tinitignan saka tumango.

"Yes, you may," Pag eenglish niya. Ay aba! Kay bago-bago pa nga lang dumating, E-Englishan na agad ako?

"What happened between you and Dyo the kwags?" Pageenglish ko rin.

Hindi lang kasi ako plastic at matalino, gaya-gaya din ako, noh. Kala niyo, eh! Tse!

Napatigil siya sa ginagawa niya at para bang nagulat siya sa naging tanong ko. May pa Yes you may- yes you may pa kasing nalalalaman, eh, hindi naman makaintindi ng fluent na English. Mygosh!

Sumilay ang matipid na ngiti sa labi niya. 'Yong ngiting malungkot? Apaka drama naman.

"You see—" naputol ang sana'y sasabihin niya nang dumating si Dyo.

"Why the hell are you late?" Untad nito kaya napangiwi ako.

Tinignan ko si Jen. Nakayuko lang siya.

Jusme! Ano bang teleserye ang ginaganapan ng dalawang 'to at sobrang drama nilang dalawa? Napairap nalang ako saka hinubad ang suot kong apron tapos binigay kay Dyo.

"Oh! Magluto na muna kayo bago kayo mag-away kundi magugutom tayo," pagtataray ko. Tinanggap naman niya agad ito. Nilingon ko si Jenina.

"Uy, Jen?" Panawag ko dito.

Nilingon naman agad niya ako. "Huwag kang magpapaapi dito kay Dyo. Magsaksakan kayo kung gusto niyo pero huwag kang magpapatalo! Ewan ko kung anong problema niyong dalawa pero sana magpag-usapan niyo 'yon, okay?"

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon