Chapter 45

426 297 13
                                    

SHYE's POV

'Di ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan pa'ng umabot sa ganito ang lahat. Bakit ang gulo? Bakit ang hirap?

He loves me, at least 'yan 'yong sinabi niya, ni-research ko agad kasi 'yong meaning ng Saranghae pagkadating ko ng bahay, pero kasi hindi ko lang talaga maintindihan.

Kung mahal niya ako bakit hindi niya magawang iwan si Yuna? Kung mahal niya ako bakit niya ako sinasaktan ng ganito? Lokohan lang?

Dalawang araw na ang lumipas simula no'ng gabing 'yon at hindi parin ako lumalabas ng kwarto ko kasi broken hearted pa ako.

Charot!

Nilagnat ako! Huwag kayong judgemental. Hindi ako pakawarang babae, aba. Strong independent woman ata 'to.

Nababad lang talaga ako sa ulan kaya ito.

Ewan ko lang rin kung ano na ang nangyari sa kanya pagkatapos ko siyang iwan ng gabing 'yon. Masyado na niya kasi akong nililito kaya hindi na kinaya ng aking kagandahan at iniwan ko nalang siyang mag-isa.

Aba dapat lang! Ilang ulit niya na kaya akong iniwan, eh. Naghiganti lang, aba.

Sa totoo lang ayaw ko na talaga siyang isipin. Kung hindi niya lang naman kayang iwan si Sandara Park, 'di ako na ang bibitaw. Wala na akong pakialam! Oo at masakit pero wala akong choice.

Babae rin ako at madaling umasa tapos sasaktan lang kaya naging sikat na bold star. Charot! Kayo talaga, joke lang.

Kaya before pa magbago ang isip ko, ngayon pa lang puputulin ko na ang lahat ng connections ko sa kanya.

At siyempre, sisimulan ko sa pagpalit ng number para hindi na niya ako macontact! May extra sim pa naman ako kaya kiber lang. Kinuha ko ang phone ko't pinalitan ang sim.

Anti-Luhan na ako ngayon. No Luhan, no drugs! Ktnxbye!

Pinagmasdan ko lang ang phone ko hanggang sa gumana na ulit ito. Agad akong pumunta sa contacts para tignan ang laman.

"Oh, 'di ba? Wala na!"

Sabi ko at kahit gusto ko nang tumawa dahil hindi ko na nakita ang pangalan niya, mas ginusto ko nalang na magsinti kasi memorya ko naman kasi ang number niya.

"Nak?"

Napakaripas ako ng higa saka nagtalukbong ng kumot. Umubo-ubo pa ako para kunyare hindi ko pa talaga kayang tumayo at pumasok.

"Po?" Mahina at matamlay kong sagot.

Ramdam kong umupo si tatay sa tabi ko.

"May tumawag sa'yo kanina sa telepono."

"Sino po?"

"Si Lulu, 'yong batang lalaking kalaro mo noon."

Feeling ko nagka dengue ako dahil sa sinabi ni tatay. Jinjuriki'ng 'yon, kahit kailan sampid ang loko-loko!

"H-Hindi ko po siya kilala, tay," pasimple kong sagot saka ulit umubo-ubo.

"Hindi mo kilala?" Tanong niya.

"Opo, hindi po talaga."

"Eh, bakit siya 'tong wallpaper sa cellphone mo?"

Nanlaki mga mata ko kaya agad akong napabalikwas ng upo sabay agaw ng mabilisan sa phone ko na hawak-hawak ni tatay.

"Hindi po 'to siya, tay. Scammer 'to!" Agad ko itong pinatay saka inihagis sa ilalim ng unan ko. Natawa nalang si tatay.

"At bakit mo naman nasabing siya 'yon, tay? Hindi mo pa naman siya nakikita, eh."

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon