Chapter 2

1.1K 569 162
                                    

SHYE's POV

Sa mundo'ng ito, Wala pala talagang perpekto. Bakit kamo? Gawin nalang nating example 'tong kasama ko.

Ang kapal ng suot niyang jacket with matching shades pa't parang mang-iisnatch ng cellphone o alahas sa may tabi 'pag nakaligtaan mong bantayan.

Tinanong ko kung ano'ng kalokohan pinaggagagawa niya and according to him, wala, trip-trip niya lang daw. Wala na akong nagawa't tinanggap nalang na baka nagtuturok siya ng tinta o nagdidildil ng mga ipangababawal na bato. Siya lang nakakaalam no'n. Sige.

Itinuon ko nalang pansin ko sa mall na pinasukan namin kasi ang laki at ang Ganda. Parang nasa labas kami ng bansa. 'Di pa kasi ako napapadpad dito.

Ang gagara din ng mga gamit dito sa loob. Isang tingin mo palang alam mo nang mamahalin. Magkano kaya mga 'yan kapag isinanla? Ipasok ko kaya sa jacket nitong kasama ko?

'Di ako magnanakaw, ah. Judgemental mo masyado.

"Maganda ba?" Tumango-tango lang ako nang tanungin ako ni Byun.

'Yon lang raw ang itawag ko sa kanya para raw kyut. Total kyut din naman talaga siya kaya 'di na ako kumontra. Baka iligaw pa ako rito, 'diko talaga alam kung sa'n ako magnanakaw ng pera pauwi.

Nakabalot parin 'yong katawan ko ng color pink na towel ni Byun habang naglilibot dito sa may mga nakadisplay na mga uniforms. Kausap pala ni Byun 'yong sales lady kaya ang gaga todo pa cute.

Hindi naman siguro ganyan ka obvious 'yong kaharotan ko kanina, ano? Kasi kung oo, saan ba pwedeng tumalon dito?

Napadpad nalang bigla mga mata ko sa Korean appliances. Hindi ko lang talaga gets kung bakit kapag sila 'yong nagsusuot ng ripped jeans at loose shirts, ang cute at punk 'yong datingan, pero 'pag ako, nagmumukha lang tambay?!

Grabe 'yong favoritism ni Lord. 'Di naman masyadong nakakasakit damdamin.

For some reason, napako mga mata ko sa litrato ng labing-dalawang lalaki na nakadikit sa see through mirror, 'di medyo kalayuan sa kinatatayuan ko.

Model ata sila ng tuxedo na naka display sa parte na 'yon. May pangalan pa itong nasulat sa may paanan nila kaya naintriga akong lapitan ito para mabasa ng maayos.

"Sehun Oh, Chanyeol Park, Kyungsoo Do, Baekhyun Byun Fal—" natigilan ako't pakiramdam ko familiar sa mga tainga ko 'yong pangalang 'yon.

"Falcon... Saan ko nga ba narinig 'yan?" Bulong ko sa sarili. "Fabcon ata 'yon?"

"Baekhyun. Byun. Falcon—" nanlaki mga mata ko bigla. "'Wag mong sabihing..."

Napatakip ako ng bibig gamit ang dalawa kong kamay. 'Di ko na pinansin 'yong tuwalyang nahulog sa sahig. Shock ako, eh. Ba't ba?

"'Ba 'yan! Wala raw'ng school uniform dito ng Scarlet Heart University."

Napalingon ako sa kanya nang lumapit ito sa akin.

"Exclusive lang daw pala 'yong nabibili sa school. Customized," humina ang boses niya sa huli at mukhang nagtaka siya kung bakit ako shock.

"Oh? Nagreboot bigla brain mo?" Taas kilay niyang tanong.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya kasi 'di naman makarelate ang katulad kong matalino, aba!

"Byun?" Pagbanggit ko sa pangalan niya habang dahan-dahang ibinababa ang mga kamay ko. "Tignan mo 'to, oh."

Ngali-ngali ko siyang hinila palapit do'n sa litrato sabay turo do'n sa pangalang magkaparehas sa kanya.

"Tignan mo 'to, oh. 'Di ba Baekhyun Byun Falcon din name mo? Tas same pa kayo ng mukha! Alam mo ba ano'ng ibig-sabihin no'n?"

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon