Chapter 38

440 307 41
                                    

SHYE's POV

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang makauwi kami galing Korea at tatlong araw narin akong iniiwasan ni Luhan, iniiwasan ko rin naman siya, tse!

Paminsan-minsan ko nalang rin siyang nakikita sa mansyon kung saan sila nananatili dito sa Pinas.

Eh, 'di siya na ang snob! Matapos niya akong banatan ng, "there's no chance for the both of us," at "let's stay as strangers, okay?", siya pa 'tong may makapal na pangang iwasan ako? Akin dapat ang role na 'yon, eh.

Kapal lang talaga, please!

Inis kong itinapon ang bag ko sa study table saka ako sumalampa sa kama. Istress kasi ako sa school sa sobrang dami ng bashers na nag-aabang sa akin sa tuwing lalabas ako. Hindi ko naman sila masuntok isa-isa kasi sobrang dami nga talaga ng mga punyeta!

Ugh! Buti nalang sinasamahan ako palagi ni Byun kasi ang walangyang Luhan na 'yon nasobraan sa pagiging snob at hindi na talaga ako pinapansin kahit na magkatabi lang naman kami sa class room.

Dito parin pala ako nakatira sa mansyon na pinanatilihan nila. Hindi parin kasi nakakauwi si nanay kaya ayaw nila akong payagan na umuwi, baka ano pa raw mangyari sa akin.

Sa kaya ko namang magsarili, eh-ay parang sounds very wrong.

Ulitin natin.

Kaya ko naman ang sari ko, eh. Gusto ko lang naman sanang mapag-isa sa bahay. Alam niyo naman na ang mga kagaya ko ay nangangailangan din ng alone time para sarili upang makapag-emote ang magmaganda.

Kailangan ko rin kasing purihin ang sarili sa pagiging emotera ng taon. Gusto kong ibalik ang sarili ko sa dating ako.

Ayoko kasi sa mga clan ng mga emotera, masyadong boring do'n. Lipat nalang din ako sa clan ng mga bashers ni Luhan at do'n maghasik ng lagim.

Mag f-file narin ako ng lawsuit para i-ban panghabang-buhay sa Pinas ang ulupong total wala naman siyang pakinabang sa ekonomiya ng ating bansa.

Gumulong ako paharap. Tinitigan ko lang ang puting ceiling.

Sumisikip parin ang dib-dib ko sa tuwing naaalala ko ang sinabi niya sa akin no'ng araw na 'yon.
.
.
.
.
.

Mahal niya ako.

Mahal niya ako, 'di ba? Pero kasi masmahal niya si Jessie J kaya siya ang pinili nito kaya kahit umiyak pa ako ng tornilyong kinakalawang, hindi ko 'yon mababago.

Ayaw ko rin namang ipagpilitan ang sarili ko sa kanya, kahit echosera ako ng taon, bibigyan ko parin ng kaunting kahihiyan ang sarili ko. Sana lang talaga hindi siya makalunok ng pagkain charot!

Nagbihis ako saka bumaba para tulungan si Jen sa paghahanda ng hapag.

Nakasalubong ko pa sina Chen sa baba pero hindi ko sila pinansin. Mukhang busy rin naman sila kay nag i-snoban lang kaming lahat.

"Mag-ingat ka naman!"

Napairap agad ako nang marinig kong sumigaw si Dyo. Pumasok na ako ng kusina at nakita ko siya'ng pinanlilisikan ng mata si Jennina.

"You haven't change at all!" Dagdag niya pa. Nangilabot tuloy ako.

Sanay naman sana akong laging beast mode 'yang si Dyo pero bakit parang may nag-iba ngayon? Parang may halong ka charcharan 'yong pagkakasabi niya? Parang may halong emosyon?

Kahit gusto ko siya'ng suntukin dahil naiinis ako kapag sinusungitan niya si Jen, pinili ko nalang ang manahimik at lumabas ng kusina. Baka kasi ako pa ang mapaglabasan ni Dyo ng galit niya at isungalngal pa sa akin 'yong hawak niyang sandok. Apaka laki pa naman no'n.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon