Chapter 30

481 330 83
                                    

SHYE's POV

Agad akong humilata sa kama nang makapasok ako sa kwarto ko. Si Dyo na kasi ang nag-asikaso kay Naruto. Wala din naman akong planong maging maid niya, aba. Ano siya sinuswerte?

Pinapahirapan niya na nga ang kawawa kong damdamin, pati ba naman katawan ko pahihirapan niya din? Bangungitin sana siya do'n.

"Yuna, mianhe!"

Napanguso ako nang maisip ko ang nangyari kanina. Hindi ko talaga 'yon naintindihan pero bakit nasasaktan ako?

Natigilan ako nang may makapkap ako sa bulsa ko. Agad ko 'tong kinuha saka tinignan.

'Yong litrato.

Ngali-ngali akong napaupo ng kama saka ito ibinaliktad para tignan 'yong sulat.

09/12/2002
Dear Shasha

I'm sure na kapag nabasa mo 'to, wala na ako. Mianhe! I shouldn't be leaving but I must. But promise, I'll be back and when I get back. I'll marry you.

I promise you that, Sha. I'll be making you as my wife and we'll have a happy family together. Lulu and Shasha forever, right? Promise, I won't look at any other girls. They're nothing compared to you. Chongmal... chongmal saranghae Kristine Shye Padua.

From: Lu Han

Napatakip nalang ako ng bibig nang muling magsipasukan sa isip ko ang mga ala-ala naming dalawa na sana'y hindi ko nalang binalikan.

Hindi ko lubos na maintindihan, bakit ba ako nasasaktan ng ganito?

Sobrang tagal na no'n, utang na loob! Nakalimutan ko na nga, eh. It should have stayed like that pero tangina bakit ang sakit-sakit?!

Niyakap ko nalang ang litratong basang-basa na ng mga luha kong hindi ko man lang namalayang kanina pa pala pumapatak.

Gustong-gusto kong sabihin lahat sa kanya, na ako si Shasha na ako ang mahal niya at hindi si Celine Dion. Na ako ang una niyang naging mundo bago si Selina Gomez pero hindi na pwede.

Pagkakamali nalang 'tong sa amin ngayon na kailangan nang tapusin sa lalong madaling panahon. Pero paano? Paano ko gagawin kung hindi ko naman lubos maisip kung kaya ko ba'ng bitawan siya lalo na't hindi lingid sa kaalaman kong mas lalong pinapatibay ng mga ala-alang 'to ang pag-asa kong baka dumating ang araw na bumalik kami sa dati.

'Yong walang Ariana Grande. 'Yong kaming dalawa lang.

Tinakpan ko bibig ko para walang makarinig sa akin. Hahagolgol pa sana ulit ako nang may kumatok kaya nailunok ko ang sanang iiiyak ko. Taena naman, eh!

"Sino 'yan?" Tanong ko habang pilit na ginagawang normal 'yong boses ko.

"Shye?"

Agad kong pinunasan ang mga luha ko.

"Aba pota 'to! Kelan ka pa naging si Shye? Kelan ka pa naging dyosa sa sobrang ganda? Huh?" Pagmumura ko.

"Haist! Gusto mo ulit mabatukan?" Bulyaw niya kaya napairap ako. "Will you, please, open the door?"

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon