Chapter 3

928 551 165
                                    

SHYE's POV

"Ayos na ba 'yan?" Tanong niya nang makapasok na kami sa mamahalin niyang kotse.

"Okay naman na," nakangiti kong sabi.

White sleeveless with black leathered jacket at skinny jeans 'yong suot ko ngayon.

Mukha tuloy akong kung sino'ng expensive. Ganitong-ganito 'yong mga nangyayari sa buhay ng main characters sa Kdrama, eh.

Ang nagkaiba lang, eh, ipinanganak naman na akong maganda echos.

Binilhan din niya ako ng bagong sapatos, sandals na may kaunting heels, medyas, school bag at lahat ng school supplies na nabasa.

"Buti nalang at nagkaatraso ka sa akin, ano? Kundi hindi ako makakasuot ng ganitong kamahal na mga damit. Kung nasagasaan mo siguro ako baka bigyan mo pa ako ng house and lot," sabi ko habang busy sa pagsukat ng sapatos na binili niya. "We can make arrangements naman."

"Ewan ko sayo, Shye," tumawa-tawa pa siya saka niya ipinaandar ang makina ng car niyang expensive.

Isusukat ko na sana 'yong isang pares ng sapatos nang bigla niyang ipinaharurot 'yong kotse kaya sumubsob mukha ko sa aircon sa harap.

"Omo! Mianhe!"

Bigla-bigla din naman siyang pumreno kaya muntikan na akong tumilapon sa likuran ng kotse buti nalang may sandalan pa.

"PUTRAGIS KANG HAYUP KA!" Hiyaw ko habang himas-himas mukha at likod ng aking ulo.

'Di ko mai-drawing ang pagmumukha ng gagu ngayon at mukha kasi siyang natatawa na naaawa na nakokonsensya habang napatingin sa akin.

"I am really sorry, Shye!" Sabi niya sabay pout.

Potakte! Kahinaan ko 'yan hoy! Tuktokin ko ulo niya ng takong nitong sandals, eh.

"Bakit kasi 'di ka nag seatbelt, ayan tuloy."

"Ay pasensya na, ha. Kasalanan ko pa pala," sarkastiko kong sabi.

Kinapa ko 'yong sinasabi niyang seatbelt saka ito sinubukang ikabit sa akin kaso antigas. 'Di ko mahila.

"Leche naman 'tong seatbelt mo. Kemahal, sira-sira naman!" Anas ko pa. Nagtaka nalang ako't biglang siyang tumawa.

"Oh god. I didn't know some people do not know how to put seatbelts on. Here, let me help."

Hahawakan niya sana 'yong seatbelt pero agad ko itong inilayo.

"Ano'ng tingin mo sa'kin bobo?!"

"Okay! Let's see."

Isinandal niya ang kanyang ulo sa wind shield saka ako tinignan nang nakangisi.

Masyado na ata akong minamaliit ng shutang ina kaya kailangan kong magpakitang gilas, aba!

Umirap pa ako saka itinuon atensyon ko sa seatbelt. Ilang beses ko na 'tong ibinaliktad saka ikinabit sa kabila kaso parang itinali ko na sarili ko dito sa upuan.

"Ahh, wala. Sira talaga," pagra-rason ko nalang pero syempre, 'di ko naman siya mauuto.

Hindi talaga ako marunong magkabit nito since hindi naman ako nag seseatbelt sa taxi. Pasaway akong tao, eh!

"Hahaha, see? Let me help you na kasi."

Hindi ako umalma. Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya.

Tinignan ko lang siyang tanggalin ang kanyang seatbelt saka umusog papalapit sa akin para ayusin 'yong seatbelt ko. Amoy na amoy ko tuloy napakabango niyang perfume. Potek, antamis!

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon