Chapter 8

871 528 141
                                    

📣HEY! Stupid! Wake up! Wake up!📣

Muntikan ko nang maihambalos phone ko nang marinig ko ang boses ni Naruto. Agad ko itong kinapa sa ilalim ng unan ko saka tinignan.

*Naruto the great jinjuriki calling...*

"Anak ng shuta 'yan!" Pagmumura ko't napakamot nalang ng ulo sa inis. Sinagot ko rin naman agad ito.

Parte ng kasunduan 'yon kasi.

"Hey, stupid! Get dressed, we'll be going to the mall!" Bulyaw niya sa kabilang linya.

"Pakyu, too!" Sagot ko saka pinatay 'yong tawag.

Leche 'yon! Ang aga-aga, sinisira agad ang araw ko.

📣HEY! Stupid! Wake up! Wake up!📣

"AY TUPANG NAKABANGS 'YAN!" Ungol ko nang marinig ko ulit ang boses niya.

Sino bang bwesit ang nagset ng alarm call niya dito sa phone ko?!

"OH! ANO NANAMAN BA, NARUTO?" Bulyaw ko ulit.

"I said wake up!" Bulyaw niya rin.

"Bobo ka ba? 'Di ka nag-iisip? Sa tingin mo masasagot ko tawag mo kung tulog ako?"

Sumagot rin siya ng pabulyaw pero 'di ko naintindihan at nag Ch-Chinese na naman siya.

"Oo, alam kong maganda ako kaya huwag mo nang itranslate sa linguahe mo, Naruto!"

Ilang segundo siyang natahimik bago humugot ng napakalalim na hininga.

"Look, you piece of awful shit," nanggigil niyang sabi. "We had an agreement last night with the managers that we'll be going to the mall at exactly 10 AM today, and for Heaven's sake! I've been waiting outside your house for fucking one hour!"

Nilingon ko ang wall clock na nakasabit sa ibabaw ng pintuan at napangiwi nalang at 11 AM na pala.

Kumaripas ako ng takbo papuntang bintana para silipin kung ando'n nga ba talaga ang anak ng debil.

Una kong nakita ang isang itim na kotseng nakaparada sa labas ng munti naming bakod at isang lalaking nakasuot ng pulang polo at fitted jeans na nakasandal dito with all the shades.

Mukhang nakita niya naman agad ako kaya agad ko siyang pinakyu. Pinakyu niya rin ako pabalik pero gamit ring finger.

"Ampangit ng daliri mo," sabi niya pa sa kabilang linya kaya napaamang ako saglit.

"Wala kang pake!" Anas ko. "At least masmaganda pa kamay ni Byun kaysa sa kamay mo!"

"I know, mas maganda pa nga mga daliri niya sa mukha mo, may narinig ka ba sa akin?"

"Potangina, personalan na 'to, ah," pagmumura ko't natawa nalang ng sarkastiko.

"You started it," hambog niyang sagot. Kita ko pang ngumisi ang shuta't kumaway pa talaga.

"Now if you don't mind, get dressed, so we could leave!"

Naningkit mga mata ko.

Ang sarap lang ibato sa kanyang 'tong lampshade ko kaso baka ibato rin ako ni nanay sa buwan kaya huwag nalang.

"Sure kaya mag-antay ka," inis kong pinatay ang tawag saka tumalikod at pumuntang banyo para maligo.

Pinaabot ko ng ilang minuto ang pagligo ko hangga't sa pakiramdam kong nahimatay na siya sa labas sa sobrang init.

Akala niya ata masisindak niya ako. No no no no! Baka si Shye 'tong kabangga niya.

Masaya kong kinuskos lahat ng dapat kuskusin. Kumakanta-kanta pa ako ng Shake it off by Taylor Swift.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon