Chapter 9

822 526 103
                                    

SHYE's POV

Nag excuse na muna ako para pumuntang comfort room matapos akong magpamalas ng kahusayan sa larangang musika.

Akala ng Naruto na 'yon, eh! Napanganga tuloy siya muahahaha.

Pero nainis talaga ako kanina kasi inubos niya 'yong piatos na paborito ko. Muntikan ko na tuloy'ng maibuhol sa leeg niya 'yong wire ng mic, pasalamat nalang talaga siya't nandoon si Byun.

Ang saya-saya talaga nilang kasama except kay Naruto dahil isa siyang aburidong jinjuriki, syempre. Tse!

Though exclusive lang sa aming labing-tatlo 'yong room, nag enjoy talaga ako ng sobra kasi nga kasama ko si Byun ack!

"Ay, sorry, miss!" Agad kong pinulot ang panyo niyang nahulog ko.

Nabangga ko kasi siya paglabas ko ng cubicle. Ano ba naman ang nakain niya't tatayo-tayo siya sa harap ng pinto? 'Yan tuloy. Char, naninisi pa nga.

"It's okay," mahinhin nitong sagot.

Natigilan ako nang marinig ko ang boses na 'yon, kaya tumingala ako para tignan siya at hindi ako nagkamali, it's Monika.

"Uy, hi. Ikaw pala, kumusta?" Masaya kong bati pero nginitian niya lang ako ng tipid.

"Okay lang naman. How about you, guys?"

Bahagyang tumaas kilay ko.
Kayo? Sinong kayo tinutukoy niya?

"Ah... nino?" Paninigurado ko.

"You and Luhan oppa, silly hehe," ang hinhin niyang tumawa, nailang tuloy ako.

"Ah! Okay lang din n-naman," humina boses ko sa huli nang ma realize kong in-oppa niya si Naruto the great jinjuriki.

Close sila?

"Hmm that's nice to know," yumuko siya saka kinuha ang panyo niya na hawak ko pa pala.

"Bye, I need to go now," nginitian niya ako nang 'di umaabot sa kanyang mata saka tumalikod na at naglakad palabas.

Ewan ko lang, but for unknown reason, I don't like her. Mabait naman siya, maganda, pero 'di ko siya feel o sadyang manhid lang talaga ako—echos.

Napahikbit-balikat nalang ako tapos pumunta sa harap ng salamin para ayusin sarili ko't mukhang nagsisimula nang masira mukha ko lols.

After no'n, lumabas na ako. Nasa 3rd floor ako habang nasa 4th floor naman 'yong SportBOX.

Punuan kasi ang banyo sa itaas, wala rin kasing sariling banyo 'yong KTV. Apaka cheap——echos ulit!

Sumakay ako'ng escalator paakyat at ewan ko lang kung bakit sumagi sa isip ko ang ngiti ni Monika kanina. Apaka plastic kasi.

Ewan ko kung ayaw niya ba sa akin kaya gano'n siya kung maka ngiti o sadyang 'di lang talaga siya masaya sa buhay niya.

Kung naniniwala kayo sa kasabihang "liars go to hell", ako naman naniniwala sa kasabihang, "plastics go to non-biodegradable".

Napairap nalang tuloy ako. Bahala siyang magpakalungkot diyan. Kung ayaw niya naman talaga sa akin, bahala siya. 'Di naman malalagas buhok ko dahil lang do'n.

Pinanlisikan ko ng mata ang mga taong parang mga shunga na nakatingin sa akin ngayon. May pabulong-bulong pa talaga silang nalalaman.

Maganda ako at alam ko 'yon. Pahalata masyadong insecure, pwe!

"Eh?" Nagsalubong mga kilay ko nang mapansin kong 'di man lang ako umangat, eh, kanina pa ako dito.

Yumuko ako para tignan 'yong escalator at napangiwi nalang.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon