2

52 6 0
                                        

CHAPTER 2

Nakatungo ako sa pagkain ko dahil sa kahihiyan. Kanina pa ako pinag-uusapan ng mga kaeskwela ko dahil sa eskandalosang bunganga ni Natalie. Wala pang isang oras ay kumalat na sa buong school na boyfriend ko raw si Kaiden. 

Sinamaan ko ng tingin si Natalie na noon ay nagkukunwaring walang ginawang kalokohan habang mina-massacre ang liempo at adobong sitaw sa plato niya.

“Galit ka ba? ‘Di ko naman expected na gagawa sila ng balita tungkol dito.” Mahinang sambit niya.

“Sana naisip mong nasa Pilipinas ka bago ka gumawa ng kalokohan ’di ba?” Gumuhit ang guilt sa kaniyang mukha kaya naman ngumiti ako, gulat naman siya sa biglang emosyon ko.

“Pero good job ka kanina. Salamat ha? At least buo ko na ang great wall of Vixen Arriadnaze.” Sabay kaming napatawa, mahina niyang sinampal ang mukha ko pero mas lalo lang akong natawa.

“Siraulo ka, malanding ito kaya pala kung makakapit ka kanina.” Mariing bulong niya. Itinaas baba ko lang ang kilay ko sa kaniya bago kami tatawa tawang nagpatuloy sa pagkain.

“May rehearsal kayo ngayon ‘di ba?” Tumango ako kay Natalie habang naglalakad kami pabalik ng classroom.

Bukas na ang pageant, excited na excited si Natalie para sa akin dahil ipinakita ko sa kaniya ang mga damit na gagamitin ko bukas. Lahat iyon maliban sa evening gown na binili ni Mama Liway gamit ang ipon niya ay mga disenyo na ni Lola Almeira.

“Last na. Tapos bukas ng 7PM ang start.”

Sus 8PM iyan nagsisimula, Pinoy po tayo hoy!” Sikmat niya kaya sabay kaming napabungisngis pero mabilis siyang bumawi at suminangot.

Hayst, bakit ba ako nag-member ng Arts Club? Ayun tuloy hindi kita masasabayan pagpasok. Kasi umaga pa lang ay nandito na kami para mag-design.” Ngiwi niya.

“Ayos lang iyan, basta gandahan niyo ang stage ha?”

“Ay madam may mga pa-Corinthian columns po ang Ma’am Agnes. Magtiwala ka sa amin, we won’t let you down.” Halakhak niya habang ginagaya ang sa patalastas.

Napatigil kami sa paglakad nang tumapat kami sa music room. Maingay ito at may nagpa-practice. Sinilip ko ang loob mula sa bintana at napangiti nang makita roon ang banda ng school namin at sina Ma’am Maurice.

“Miss Independent by Ne-yo.” Sambit ni Marck, ang basista ng school namin.

“Paos ako, sa inyo na lang ang kakanta.” Saad ni Jerome.

“Klein, bro.”

“Bro, you can take the mic.”

Nagturuan ang dalawang lalaki, napahinga ng malalim si Ma’am Maurice bago tinignan ng masama ang mga kabanda.

“Klein, you will take the mic for the opening, Wes, you will be the one assigned for the evening gown.”

Narinig ko ang mahinang pagsipol bago tumunog ang siradura, naramdaman ko rin ang pagsanggi sa akin ni Nat. Nilingon ko ang kaibigan at tinaasan ng kilay para magtanong. Ipinaling niya ang ulo sa unahan kaya naman napalingon ako roon.

Nakatayo si Kaiden hawak ang doorknob sa kanang kamay habang nasa slacks naman ang kaliwa.

“Let’s go,” pagbasa ko sa kaniyang bibig.

Nangunot ang noo ko, tinanggal niya ang kamay sa siradura at tinignan ang relong pambisig.

“Practice.” Muli pa niyang saad nang walang tinig. Napatango naman ako at tinignan ang oras sa wall clock na nasa pasilyo, 1:45PM na.

silhouettes of the past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon