CHAPTER 25
Two days na ang nakalipas pero hanggang ngayon trending pa rin ang concert ko dahil hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin nila kung sino daw ba ang tinititigan ko habang kinakanta ko ang Libra.
Some speculations were right, I was looking at the man behind the song.
“From Accountancy Business and Management, our Valedictorian, with highest honors, Miss Lexia Isabelle L. Del Rey.”
I looked at my sister proudly as I watch her go up the stage, she’s very radiant. Ang ganda ng kapatid ko, ang talino at ang bait.
Naiiyak ako habang pinakikinggan ko ang kapatid na mag-deliver ng kaniyang speech, naawa ako sa kaniya at the same time natutuwa ako sa sarili ko.
Naawa ako dahil walang magulang na gumagabay sa kaniya tapos wala pa ako madalas sa bahay namin at natutuwa naman ako dahil kahit mahirap I am able to provide for my family.
Malakas na palakpakan ang sumalubong sa kapatid ko habang pababa siya ng entablado. Pangarap ko rin ito. Gusto ko rin ng ganito.
Be able to walk in the stage holding the fruit of all my investments but I wasn’t given a chance to. Malaki ang responsibilidad na iniwan sa akin kaya kahit marami akong gustong maabot, hinayaan ko na.
Hahayaan ko. Makita ko lang ang mga kapatid kong inaabot ang mga parangarap na ’di ko maabot, masaya na ako. Para sa kanila.
Panganay ako e, I need to provide them the care, the love, all the things they were deprived of.
Mas naiyak ako noong nag-aalay na sila ng mga diploma nila sa mga magulang nila. Naninikip ang puso ko, nakaupo sa kandungan ko si Lex hindi katulad ng lahat malakas ang pag-iyak niya. May ilan na napapatingin pero ngumingiti na lang ako.
People like them who are born with silver spoon will never understand the hardships we need to go through just to have a proper education, to eat thrice a day, to buy medicine if someone is sick and to survive a long day without a single penny on our pockets.
Inaalo ko ang kapatid ko, mabuti na lang mabilis lang siya tumahan. Pinunasan ko ang pisngi niya gamit ang panyo ko.
“Ate is proud of you Lex, and I will do anything para makatapos kayo ni Janz, ilalaban kayo ni Ate, kaya kahit anong mangyari, huwag mong susukuan ang school okay? Aahon tayo Lex. . .”
Darating ang araw na maipapamukha natin sa kanilang lahat na iyong iniwan nila, iyong tinalikuran nila, iyong pinagkaitan nila ay kayang bumangon, naging matatag at ngayon, nasa lugar na kung saan hinding hindi nila maabot.
“I love you ate, you’re the best.” Bulong niya.
Napangiti naman ako, little did she know, she is. She and Janz are my reason to continue striving to be the better version of myself.
Natapos ang graduation rites, ang haba ng pila ng mga nagpapa-picture ka kapatid ko. Taray artista! Dinaig pa ako. But truth to be told, she’s more beautiful than me and our youngest is the best singer among the three of us.
“Bye Lex, bye po Ate Vixen!” Paalam sa amin ng mga kaklase niya. Tumango naman ako sa kaniya at nakangiting nagpasalamat bago kami nagtungo sa SUV.
Nang marating namin ang bahay ay nakita ko kaagad ang isang ’di pamilyar na kotse sa harap ng gate.
Mabilis akong naglakad at pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang walanghiya naming ama na kinakausap si Janz, kasama pa talaga niya ang asawa at dalawang anak niya.
“Janz!” I protectively called my brother, mabilis siyang lumapit sa at nagtago silang dalawa ni Lex sa likod ko.
“What are you doing here?” I asked calmly. There is already a storm surge inside of me but a man close to my heart thought me how to be calm at all times.

BINABASA MO ANG
silhouettes of the past | ✓
Romantizm𝗽𝗵𝗼𝗲𝗻𝗶𝘅 𝘀𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗶𝗶 𓆩♡𓆪 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their...