32

17 3 0
                                    

Nagising ako sa isang kulay puting silid. Hindi ito ang kwarto ko pero kilalang kilala ko ang lugar na ito.

“Vixen.” That firm soothing voice made me creased my forehead. Kuya Vaughn is standing by the door, kasama niya sina Lex at Janz.

Nakita ko rin sa gilid sina Seah at Rinna na natitigal sa lalaking nasa pinto.

“Doc Knight!” Pagtawag pa niya, dali daling lumapit sa akin si RK para i-check ako. Hindi ko naman masundan ang mga ginawa niya sa akin at ang sinabi niya sa mga kapatid ko.

Nakita ko lang na malalim silang napabuntong hininga bago umalis si RK. Naglakad sila palapit sa akin pero may isang tao akong gustong makita ngayon.

“Hindi ako sing yaman ng mga kaibigan ko. Pero kahit ipunin ko lahat ng salaping mayroon ako, hinding hindi noon maibibigay ang bagay na ninakaw nila sa akin noon.”

It was his sister he was talking about, all those times. I swallowed hard, that ravine near our house, that conversation before he walk me to Natalie’s house. Everything makes perfect sense right now.

“Iyong sinabi mo noon, about sa bagay na ninakaw sa inyo, pwede ko bang malaman?” Mahinang tanong ko.

“Buhay ng isang malapit na tao sa pamilya namin.” Hindi direkta pero kita ko kung paano panawan ng emosyon ang mukha niya, naroon na naman sa kaniyang mga mata ang halo-halong galit, pagsisisi at pandidiri.

Nandidiri. . . Napahawak ako sa ulo ko nang bahagya iyong kumirot pero kaya ko naman ang sakit. Hindi ito katulad ng kanina.

“Tomorrow, at La Luna Restaurant, can we meet? I mean I have to discuss something to you, it’s long overdue pero I think we need to talk about that.”

Now I wonder, what could have happened if I did not become a coward that night?

“A-aray.” Mahinang anas ko.

Naalarma ang personal assistant, manager at driver ko samantalang kumunot naman ang noo ng mga kapatid ko.

“RK said—the doctor said you’re stressed. Stop thinking about things and let yourself breathe.” Masungit na sabi ni Kuya Vaughn.

“Stop it, you sounded like an old man impatient of his love life.” Napalingon kami kay Maurice na nasa pinto. Suot niya ang kaniyang kulay puting roba. Nakangiti siya parang walang ginawa noong isang buwan.

“Shut up, you’re tolerating her kasi parehas kayong hard headed.” Napangiwi ako. 

Jeez, malamang stress talaga si Vixen kasi after soooo many years bumalik na ang alaala niya.” Her tone’s like she’s saying a duh except for it is the truth she just spilled.

“Ate you mean. . .?” Naluluhang sambit ni Lexia. Marahan naman akong tumango bago lumingon muli sa pinto.

“Hindi siya darating. Kakaalis lang noong isang araw.” Si Janz ang sumagot.

Nalukot ang mukha ko at may kurot sa puso ko. Bakit nga naman siya darating para sa iyo e binigay na nga niya ang pabor. Maghintay ka na lang ng three months Vixen.

By then I hope he could understand what I have been through that he can actually let himself stand on my shoes. Isa pa abogado siya, it is their work to check on facts and analyze each evidence before deciding a verdict.

“He knows.” Napatingin ako kay Maurice.

“W-when?” I swallowed the lump in my throat.

“When Zia went to you at Bonjour. The night before I came to talk to you.” Bumagsak ang luha sa aking mga mata nang marinig ko iyon. Ibig sabihin pala. . .

Silhouettes of the Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon