12

7 4 0
                                    

Nang sumunod na linggo ay kasama ko na si Natalie sa pagbalik sa siyudad. Mabuti na lang at pumayag ang kaniyang ama, kung sabagay ay wala rin naman silang magagawa dahil hindi nila kayang tustusan ang gastusin ng apat na maliliit na anak.

Napatingin ako sa labas nang makita ko si Kaiden  na nagparada ng sasakyan, kasama niya si Zyan. Mukha silang pinagsakluban ng langit at lupa pero hindi pa rin nawawala ng kagwapuhan niya.

Mas lalo lang siyang naging marikit sa aking paningin. Huminga ako ng malalim bago iwinaksi ang bagay na naiisip. 

Natapos ko nang basahin ang diary at ayaw ko na magpakita sa kaniya. Kaya pala madalas na kumakabog ang puso ko at parang mayroong kung ano akong nararamdaman sa aking tiyan. 

Putol kasi ang entries. Did I broke up with Kaiden before the accident? Sabi kasi sa diary ko ay magkikita kami kinabukasan.

Pero hindi pa naman kami nagkikita. Nakakahiya na magpakita ako ngayon, kasi baka isipin niya ghosted siya. Teka?! 

Was it the reason why he was so cold to me four months ago? Oh damn, lamunin na sana ako ng lupa.

Pinanood ko silang dalawa at tinuruan si Natalie ng mga gagawin. Mabilis naman siyang tumalima kaya nakahinga ako ng maluwag. Mamaya na ako lalapit, kailangan ko munang mapakalma ang aking puso. Kanina pa ito tumatahip.

“Are you okay, you look pale.“ Tinignan ko si Zach bago tumango.

“Oo okay lang naman.” Sagot ko sa kaniya. Liar, of course you’re not okay. Because how will you?

“Sure?”

“Oo ayos lang ako.” Pero napatigil ako nang lumapat ang palad niya sa aking noo. Nagtaas siya ng kilay bago umiling.

“How are you feeling good when you have a fever?” Kumurap ako bago kinapa ang sarili. Akala ko kanina ay masakit lang ang ulo ko.

“A-ano ka ba, galing ka kasi ng kusina baka palad mo lang iyan.” Tumalikod ako sa kaniya, kaya pala kanina pa ako nahihilo.

Huminga na lang ako ng malalim bago lumabas ng restaurant para lumanghap ng sariwang hangin kaso biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napatakbo tuloy ako papasok.

Nakita ko si Zach na nakatingin pa rin sa akin, mukha siyang nag-aalala kaya naman ngumiti na lang ako sa kaniya pero umiwas siya ng tingin. Hmp! Ang sungit talaga.

Naupo ako sa isa sa mga bangko na bakante bago dumukdok sa table para matulog. Umiikot ang paningin ko, bakit ganoon?

“Vi, Vixen gising ka na.” Naalimpungatan ako dahil sa marahang pag-alog sa akin ni Natalie.

“Ayos ka lang ba?” Tumango ako sa kaniya bago tumayo ng tuwid at lumapit kay Ate Ayi.

“Ate Ayi pwede bang umuwi ako ngayon. Nilalagnat ako.” Mahinang saad ko, gulat naman niyang kinapa ang aking noo bago tumango. 

“Umuulan Vi, paano ka pupunta sa labasan?” 

“Kaya ko iyan ate, ano ka ba! Sige ha? Mauuna na ako.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil alam kong mangungulit lang siya na ihatid ako. Kaya ko pa naman kasi, ayaw kong mang-abala.

“Vixen,” nilingon ko si Zach nang makalabas ako ng backdoor, mayroon siyang iniabot sa akin na maliit na supot, may logo pa ng binilhan niyang botika.

Tinanggap ko iyon bago ngumiti sa kaniya, mabigat na ang pakiramdam ko pero kaya ko pa, dapat makauwi ako.

“Salamat.”

“Kaya mo ba talaga? Hatid kita.” Umiling lang ako.

“Kaya ko.” Saad ko bago ako nagsimulang maglakad, ang lakas ng hangin lalo tuloy akong nilamig. Yakap ko ang sarili ko habang sinasangga ng payong ang malakas na ihip ng hangin. Basa na rin ang sapatos ko. May bagyo ba?

Silhouettes of the Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon