17

7 3 0
                                    

Maaga akong nagising nang sumunod na araw kaya naman nagluto na ako ng aming almusal. Wala na pala kaming stock mamimili na lang siguro ako mamaya pagkatapos ng aming trabaho bago ko puntahan si Kai.

“Vi ang aga mo.” Ngumiti lang ako kay Natalie bago ko siya pinaupo gayon din si Ate Ayi. 

“Ayos ka lang ba?” Tanong ko sa kaniya. Ilang gabi na kami ni Ate Ayi na nagpapalitan ng tingin sa tuwing maririnig namin siyang humahagulgol pero kinaumagahan ay ayos na naman ulit siya.

Nagpapanggap na ulit siyang masaya. Hindi lang namin makompronta ni Ate Ayi kasi ayaw niya rin namang ipagsabi. Iniwasan niya kami madalas, maliban ngayon.

Tumango siya sa akin bago humikab at inasikaso na ang sarili niyang plato.

“Pansin ko lang Vi, madalas na uminit ang ulo mo kapag nauungkat ang relasyon niyo ni Kai. Pasensiya ka na ha?” Nasamid tuloy ako, napapansin pala niya iyon.

Paano ba naman kasi ay ako na naman ang napuna ni Zach kahapon kahit na si Eureka naman ang late dahil galing ito sa kaniyang boyfriend. Hindi ako sumagot noon, pero nagdadabog ako maghapon.

“Pero kumusta kayo? Mukhang masaya ka kasi nitong mga nagdaang buwan.” I smiled. Hindi lang ako masaya. Sobrang saya ko.

Masaya sa pakiramdam na hindi man alam ng mga taong nasa paligid na dinadalaw ka ng pagsuko pero may isa sa kanila na nariyan para damayan ka. Pisikal man o hindi.

Iyong mga unang beses na nagkakasagutan kami ni Zach about sa relasyon namin ni Kai, gusto ko na siyang bitawan, gusto ko nang sumuko pero titingin lang ako sa paa ko, maaalala ko ang sinabi niya.

Sa mga away sa restaurant lalabas lang ako sa backdoor at matatagpuan ko siya roon. Naghihintay para ipahiram sa akin ang balikat niya. Lagpas na nga sa mga daliri ko sa kamay ang mga panyo niyang nasa damitan ko na.

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko nang tumunog iyon. Keypad ang cellphone ko kaya naman nakakabingi ang tunog ng ringtone.

Kai 💗
Don’t let other’s get a hold of you, stand tall, be brave, I know you can make it. See you later, Love. I love you, Vixen.

Mabilis akong sumubo para hindi nila makita ang pamumula ng mukha ko. Nakayuko lang ako sa mesa hanggang sa muling magsalita si Ate Ayi.

“You’re glowing like you are deeply in love.” May ganoon ba?

“Reminds me of our high school days, walang pinagkaiba, Vi.” Nakangiting anas ni Natalie. Kumunot ang noo ko, despite lacking my recollection of how we were before, I could definitely agree with her. I mean, according to what I have read on my diary.

“Okay lang naman, as in ayos lang.” Natawa ako bago napailing.

“I don’t know. . .” I stopped, gusto ko sanang idagdag ang mga katagang kahit hindi siya maalala ng utak ko sa ngayon . . . But I kept it in my mum. No one will know I have an amnesia except for my family, and the Alextre’s.

 “I’m not sure, maybe I got it really bad.” Ngumiti ako bago nagtungo sa pagkain ko.

I really got it bad, I know. Because when I am with him I feel like I have a family, na may masasandalan ako, hindi ko rin po alam Ate pero kasi iyong bagay na matagal ko nang hinihiling naibibigay niya sa akin.

Na tanggap niya ako hindi katulad ng iba na hinuhusgahan ako. I was able to open up to him everything about me.

“Do me a favor, please.” They both nodded at me with assuring smiles in their faces.

“Pakibatukan naman ako kapag mali ang ginagawa ko.” Maliit ang tinig na sinambit ko.

Nagsisimula na akong magduda sa mga maliliit na bagay dahil din sa mga taong nakakasalamuha ko.

Silhouettes of the Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon