14

14 4 0
                                        

CHAPTER 14

Patuloy lang siya sa pagtingin sa mga naka-display doon samantalang ako wala sa sarili. Hindi ko alam ang gagawin ko. Umamin siya sa akin.

Wait, dapat alam ko na ’di ba? Since we had a thing in the past. But hearing it first hand made my heart go wild. Looks like I'm back being a teenager again.

Umikot ang aking mga mata hindi dahil sa isipin kundi dahil sa nakikita ko. At dapat ba kayong maglandian sa harap ko? Tama ba iyan?

“That’s for her.” Tinuro ako ni Kaiden kaya naman umangat ang kilay ko.

Lumapit siya sa akin kaya bahagya akong napa-atras. Bahagya pa siyang natawa dahil sa reaksiyon ko. Umayos ka Vixen hindi ka dapat mailang sa kaniya.

“And this one too.” Kumurap kurap ako dahil sa dami ng mga bagay na iniabot niya sa akin.

“Aanhin ko iyan?” Tanong ko sa kaniya.

“It has magic, stare at it then you’ll just found yourself wearing those.” Nang-iinis pa siya! Kinuha ko na lang sa kaniya pero napangiwi siya dahil nakaskas yata ng mahaba kong kuko ang kaniyang balat.

“That will look good on you, Ma’am.” Pilit akong ngumiti sa kaniya. Gucci ito, paano ito babagay sa hampas lupang ako?

“We’ll take it.” Saad niya bago iniabot ang itim niyang card sa babae. Bag iyon at sneakers.

“Hindi ako ang may birthday. ” Saad ko pero hindi niya ako pinansin.

“Ano ba! Hoy!” Bulong ko pa bago ko hinila ang laylayan ng polo shirt niya.

“Huwag na kasi, kay Janz nga lang ang kailangan ko.”

“It’s fine. We’ll find something for him in a different store okay?” Sagot niyang nakangiti sa akin, naghihintay sa paper bags.

“Eh pero. . .”

“Can’t I give you gifts for just because reasons?” Umiling ako, maling mali talaga.

“Thank you,” sambit niya bago ako inakay palabas ng store. “I just want to give you something, and wala naman iyang exchange. Just think of it as a token of gratitude.”

May ganoon ba? Tatanggapin ko naman talaga ang regalo niya ang kaso lang ang mahal kasi, hindi ba niya naiisip ang paghihirap ng mga magulang niya para lang kitain ang pera na iyon tapos ibibigay niya lang sa akin?

“I can hear you thinking.” Umiwas ako ng tingin bago itinuro ang isang shop na alam kong afford ko. Pinag-ipunan ko rin kasi ito kaya naman kampante akong aabot.

“How old is he now?” Tanong niya sa akin.

“He’s twelve,” pumasok ako at nagtuloy sa mga shirts na naka-display.

“Is he studying?”

“Hmm. Saint Francoise.” Saad ko, doon siya pinag-aaral ni Lola Almeira bilang scholar.

Simula noon, inako na nila Lola Almeira ang pag-aaral ng mga kapatid ko pero nang magkamalay na ako ay hindi ako pumapayag na solohin nila ang bills ng mga kapatid ko.

They are still my responsibility so whenever I have extra money I will save it to treat them some good meal or take them to amusement parks or we just stayed at home spoiling ourselves with foods we always wanted to eat.

The other will go to my savings for their college and our livelihood. Hindi ko alam paano ko nagagawang mag-ipon kahit na minsan wala akong makain. Ayos lang, para sa mga kapatid ko.

“Scholar? If not, are you sure you’re not neglecting yourself just to give your siblings their needs? But I’m proud of how great you are as an older sister. They are lucky they have you.” A warm hand touched my heart.

silhouettes of the past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon