Nakapila na ako ngayon katabi ko si Lexia para sa final practice nila ng graduation. Next week ang graduation niya, sa Monday, at Friday na ngayon.
Maraming tumitingin sa akin pero nevermind, I’m very proud of my sister. Letrang D ang simula ng apelyido namin pero nasa pinakadulo kami ng pila.
Dalawa kasi silang valedictorian. Parehas with highest honors pero galing sa HUMSS iyong isa.
“Ilan kayo lahat?” Tanong ko sa kapatid ko. May kalahating oras na kasing nag-start ang processional pero hindi pa rin kami umuusad.
“Four thousand po ate,” Sagot niya, halos mahulog ang panga ko. Ang galing ng kapatid ko, grabe nakakaiyak. Proud nanay here.
Mabilis lang ding natapos ang practice kaya naman isinabay ko na si Lex sa akin, ihahatid ko muna siya sa bahay dahil nandoon na si Janzei na noong isang linggo pa nakabakasyon.
“See you sa concert mo bukas ate, love you!” Sigaw ni Lexia ng makababa siya, tumawa lang ako bago kumaway sa kaniya.
Nang marating ko ang Araneta ay abala na silang lahat, naroon na rin nagre-rehearse ang mga guests ko.
“Ate Vi, yow!” Lumapit kaagad ako kay Zyeus, akalain niyo iyon? Dati nagtatrabaho lang kami sa restawran ngayon kinikilala na kami sa buong bansa at maging sa buong mundo.
Miyembro na si Zyeus ng isang boy band, siya ang main vocalist, nasa billboard rin sila hanggang ngayon dahil kaka-release lang ng comeback full length album nila last month.
“Hanep pogi ’yan?” Tukso ko sa kaniya bago nakipagbatian sa mga band mates niya. Kulay pula pa ang buhok ng loko.
“Kalma ka ’Nay ako lang ito.” Napuno ng tawanan ang lugar.
“Before I graduated Xaviera, siya iyong kasama ko lagi sa mga pa-auditions hanggang sa parehas na kami nag-audition. Siya nag-debut sa Pinoy Reels tapos ako nag-train kasama kayo, but yes, we both made it.” Kwento ni Zyeus.
“Nagtatampo nga si Ate Ayi ’di ka na raw dumadalaw.” Biro ko sa kaniya. Panay lang kami kumustahan at biruan hanggang sa dumating na ang mismong rehearsal.
Nauna ang mga guests ko dahil busy rin sila. Habang pipanood ko si Zyeus, nakikita ko ang sarili ko. Ganiyan na ganiyan ako kapursigidong maging perpekto ang performance ko.
Sa bandang gitna ay magdu-duet kami ni Zyeus at ironic lang dahil ang kantang kakantahin namin ay ang kantang naisulat niya habang nakikita niya akong umiiyak dahil kay Kaiden noon.
Debut song pa nila iyon. Ang galing talaga ng label namin. Lahat kami pang broken ang debut song.
“Shet ate dapat ang title ng concert mo ay Shattered Heart 4 the Queen hindi Crown 4 the Queen.” Natatawa pa niyang saad kaya siniringan ko na lang siya bago kami nagsimulang kumanta.
“OKAY WRAP UP!” Sigaw ni Seah kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Natapos din.
“Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Sa pagtanggap sa invitation. Ingat kayo pauwi I’ll see you all tomorrow.” Buong galak na pagpapaalam ko sa kanila.
“Vi tara na.” Tumango lang ako kay Seah bago ako sumunod sa kaniya, nakakapagod ang araw na ito. Pasalampak akong naupo sa loob ng SUV ko at pumikit. Gusto ko nang magpahinga pero ang lahat ng pagod ko ay nawala dahil nakita ko ang email ni Detective Ramos sa akin.
Para akong nabuhayan dahil doon, huminga muna ako ng malalim bago nanalangin. Siguraduhin lang talaga niyang maganda ang dahilan niya dahil kung hindi ay sasapakin ko talaga siya.
BINABASA MO ANG
Silhouettes of the Past | ✓
Lãng mạnPHOENIX SERIES 2 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their fate is? Will she sti...