CHAPTER 22
The next day as what we have planned, my manager and I visited the VL Law Firm, I am still amazed of how he became. I mean, before, I never thought he is pursuing law. Idagdag mo pa iyong panyo niyang hanggang ngayon nasa akin pa rin.
But then again, I remember, I imagined him as one when he talked to me at the back of Bonjour Restaurant before.
And on second note, siya rin naman siguro walang alam sa naging buhay ko sa loob ng anim na taong iyon. At sino naman kami sa buhay ng isa’t isa para pag-abalahan ang whereabouts and life journey ng bawat isa ’di ba?
Nasa lobby pa lang kami ng nasa sampung palapag na building ay hindi ko na mapigilang mamangha. Grabe ang ganda dito.
“Vi, amazed na amazed ka naman yata?” My manager asked.
I just shook my head, baka makahalata pa ito na si Kaiden ang tinutukoy ko sa kanta kong Libra na hanggang ngayon puno parin ng mga theory, bahala na sila.
Lahat naman tayo may kaniya kaniyang perspectives sa buhay, so whatever their point of view about the song, then be it.
Iyong Libra ang unang kantang naisulat ko noong maghiwalay kami ng landas six years ago.
Para iyon talaga sa kaniya, not really because of the reason that he was unfair na pinaasa niya ako at ako si tanga na umasa, but because of the reason na hindi kami pwede dahil sa masyadong mataas na standards ng iba.
Libra is about fighting for your love against all odds, na ironic because we both chose to let go.
Wait, did I already let go?
“May client pa po si Attorney sa loob, wait lang po.” Saad noong sekretaryo niya, tumango lang kami ni Seah bago kami naupo at naghintay. Pero umabot na kami ng isang oras ay hindi pa rin natatapos.
“It will take more time Miss Vixen, the case is too confidential so I think you’ll be needing to wait for an hour or so. I’m very sorry. You should’ve set an appointment.” Saad ng sekretaryo.
Tama nga naman, dapat lang talaga may appointment dahil hindi naman kasi pipitsuging law firm ito.
They are handling big cases and nagkaroon lang kami ng privilege na makadiretso rito ay dahil karamihan sa mga abogado nila ay humahawak na rin ng mga cases ng mga bigating artista.
“No it’s okay.” Besides I won’t leave until hindi siya pumapayag. Dahil hanggang ngayon, ito pa rin ang epekto niya sa akin. Pakiramdam ko ligtas ako at maging ang madilim na sikreto ng pamilya ko. Hayst.
Kung tutuusin dapat dati pa sana ito na-solve since I have enough money to hire an attorney and even Mama Serina offered me but I chose not to, hindi ko rin alam, but something is stopping me.
Maybe it was His way for our paths to cross again. Nakita kong lumabas ang apat na lalaking mga naka-formal at kasunod noon ang isang kilalang PPop idol na mayroong parricide case.
“They’re done, you can go in na po.” Naunang pumasok si Seah kaysa sa akin. Binagalan ko pa ang paglakad, hinahanda ang puso ko.
Kaya ko ba today? Kayanin mo Vixen.
“Please have a seat.” Napalunok ako, boses pa lang iyon iba na ang epekto. Narito na naman ang karera sa dibdib ko.
Naupo ako sa tabi ni Seah hindi siya tinitingnan dahil alam kong sa oras na gawin ko iyon ay hindi ko na aalisin pa sa kaniya ang aking paningin, pero nang marinig ko ang yabag niya ay trinaydor ako ng aking mga mata.
I gulped. He looked regal wearing his white long sleeves and a loosened tie. Mukhang na-stress siya kanina. But nonetheless, he still look so great like the old times.

BINABASA MO ANG
silhouettes of the past | ✓
Romansa𝗽𝗵𝗼𝗲𝗻𝗶𝘅 𝘀𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗶𝗶 𓆩♡𓆪 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their...