Para akong kandilang sinindihan, unti-unting nauupos. Naninikip ang dibdib ko at walang patid sa pagragasa ang mga luha ko. Hindi ko alam kung paano niya nakayanang harapin ako sa mga panahong nangungulit ako sa kaniya.
Hindi ko alam na habang patuloy akong nagpipilit na tanggapin niya ang kaso ni Mama ay dinudurog ko na pala siya.
Tama nga siya, I don't know the intensity of my words. Dahil sa aming dalawa, siya ang mas nasaktan tapos dinagdagan ko pa. I brought him collateral damage.
Mabigat ang dibdib na tumayo ako mula sa pagkakaupo bago ako dahan dahang nagtungo sa kusina niya, maghahanap ng bagay na pwedeng makatulong sa akin para panandaliang makalimot.
Baka mamaya panaginip lang ito. Baka mamaya hindi naman pala si mama ang taong nabasa ko sa list kanina. Baka mamaya buhay pa ang ate niya.
While I was busy opening the bottle of Baccardi the phone rang, it was an Instagram call, si Seah.
Pinahid ko muna ang mga luha ko at tinignan kung ayos lang ang hitsura ko. Nagdisplay din ako ng pekeng ngiti, wala namang nakakaalam kung tunay ba iyon o hindi maliban sa akin.
"Seah!" Masayang pagbati ko sa kaniya.
"Medyo humuhupa na ang mga media by night later masusundo ka na namin, ayos ka pa ba diyan? "
"Oo naman," nakangiting tugon ko. Ngumiti rin siya sa akin bago napabuntong hininga.
"Mabuti naman." See? Even my manager was deceived. The power of pretending.
No Seah, I'm not okay.
"O siya sure kang ayos ka lang ha?" Tumango naman ako.
"I'll end the call, I'll talk to Ma'am Devonn." She then ended the call.
I sighed and again, my tears streamed down my face. Galing mo Vixen, ang husay mo. Nang mabuksan ko ang bote ay hindi na ako nag-abalang isalin pa ito.
Tinungga ko na ito na mabilis kong pinagsisihan. Ang pangit pala ng lasa, gumuguhit sa lalamunan, bakit iyong grapes na wine hindi naman ganito ang tama?
Tinungga ko lang nang tinungga hanggang sa maubos ko ang laman ng bote. Umiikot na ang paningin ko kaya naman nagdesisyon akong umakyat na sa taas nakakahiya naman sa may-ari ng unit, pero bago pa man ako makaakyat ay nilukob na ng amoy niya ang ilong ko.
Mabilis akong lumingon sa kaniya, kunot na kunot na naman ang kaniyang noo at madilim na nakatingin sa akin.
"Are you drunk?" Tanong niya.
"Sorry." I answered.
Kumunot ang noo niya kaya mas nadepina ang magandang kurba ng kaniyang kilay. Mas lalo tuloy siyang naging gwapo sa paningin ko.
"It's your decision and I don't want to invoke you of your rights and freedoms." Ano raw?
"No, I mean I'm sorry for all's worth."
"No biggy. Can you go up?" Anong no biggy no biggy? Gago ka ngang tunay!
"No biggy? E ikaw pala ang hindi nakakaalam ng intensity ng words e!"
"Huh? Did I say something?"
"You said no biggy when it in fact it is! How can you pretend that it's nothing after all the pain I've caused you? Alam ko na Kaiden! I know the reason why you can't handle Mama's case!" I can't stop myself from screaming, maybe it's the effect of alcohol.
"Did you perhaps search through my things?" He calmly asked and I nodded, heart still breaking into pieces.
"I see, magpahinga ka na. Kaya mo ba?" He asked, I'm still dazed but I can mange. I nodded at him before walking upstairs.
BINABASA MO ANG
Silhouettes of the Past | ✓
RomancePHOENIX SERIES 2 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their fate is? Will she sti...