Hindi ko pinansin ang tingin niya sa akin dahil dire-diretso akong pumasok sa loob. Marahan niyang isinara ang pinto sa tabi ko bago siya umikot.
Siya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko, nakahilig lang ako sa upuan habang nakapikit ang aking mga mata. Hindi siya nagsalita pero naramdaman ko ang marahang pag-usad ng sasakyan niya.
Bumalisbis ang luha ko dahil sa labis na inis. Hindi ko expected na iiyak ako ngayon dahil hindi nila gusto ang tipo ng pagmamahalang namamagitan sa amin.
Pero wala naman dapat akong pakialam sa saloobin nila, hindi ba? Wala dapat akong pakialam dahil buhay ko ito at ako ang magdesisyon kung sino ang pipiliin ko.
Kung kanino, kung saan at kung paano ako magiging masaya.
Nagmulat ako ng mata nang maramdaman ko ang marahang pagdampi ng malambot na tela sa aking pisngi. Kai was wiping my tears, his forehead was creased and his jaws are clenching. He is so serious.
“What happened?” He carefully asked me. Umiling lang ako bago ko kinuha sa kamay niya ang panyo, ako na lang ang magpupunas sa sarili kong luha.
Nakahinto kami ngayon sa tapat ng isang park. Malalim niya akong tinitigan bago marahang hinaplos ang ulo ko hanggang sa tuluyang maubos ang luha ko.
“Where do you want to go?” He asked after minutes of silence.
“Kahit saan, ayaw ko munang umuwi.” Tumango siya bago ko narinig ang pagbukas ng pinto sa tabi ko. Nauna na siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.
Inalalayan niya ako at inilagay pa ang isang kamay sa ibabaw ng ulo ko para hindi ako mauntog. Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin nang magsimula kaming maglakad papasok sa parke.
Maraming tao, may naririnig pa akong malakas na tilian sa ‘di kalayuan.
“Ayos lang bang manood tayo ng battle of the bands?” May battle of the bands pala. Tumango ako at excited na lumakad pero napakapit ako sa kaniya dahil may lalaking kusang bumunggo sa akin.
“Careful, please.” Malamig na saad ni Kaiden bago ako inakbayan. Nasa gitna kasi kami naglalakad.
“Dito tayo.” Saad niya, pinauna niya akong umakyat sa bleacher, sa pinakatuktok. Namamangha akong napatingin sa harapan. Kitang kita namin ang stage mula rito.
“Thankfully wala pang nakaka-discover nito.” Tatawa-tawang aniya. Tinignan ko naman siya para magtanong.
“Si RK ang naka-discover ng place na ito. He was the only one who wasn’t part of our high school band. Dito raw ang pwesto niya kapag nanunood siya noon to support us.” Tumango tango ako.
Kaya pala sabi sa diary ko ay walo lang ang miyembro ng banda nila.
Isasayaw ka ng dahan dahan
Hanggang ‘di mo mamalayang
Ako na pala ang iyong kailangan
At gusto mong pamahalaan. . .Napatingin ako sa kaniya nang sabayan niya ang bokalista ng bandang nag-pe-perform sa stage. Ang ganda ng kaniyang boses, malamig, marahan at buong buo.
Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi, lilingon na sana ako sa stage pero lumingon siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay habang nakangiti sa akin.
Napalunok ako at pinakiramdaman ang pagbugso ng pamilyar na emosyon sa aking katauhan. Ang mabilis na tibok ng puso ko at ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha.
Umiwas ako ng tingin dahilan para umalpas ang mahina niyang pagtawa, ang pag-alog ng balikat niya ay nagdulot ng elektrisidad sa aking katawan. Magkadikit kasi ang aming mga balikat.
BINABASA MO ANG
Silhouettes of the Past | ✓
RomancePHOENIX SERIES 2 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their fate is? Will she sti...