7

14 5 0
                                        

CHAPTER 7

Kanina pa iniisip iyong OTP na sinabi nila, nagulat na lang kami noong biglang nagsitayuan iyong anim na magkakaibigan para habulin si Klein.

Nagmamadali sila at kitang kita namin ang parada ng mga nagmamahalang kotse nila na animo ay nasa isang karera.

Naiwan sina Kai at iyong babaeng may asul na mata. Sinusundan lang sila ng tingin ko hanggang makaalis si Kai pero naiwan iyong babae. Nakatitig siya sa kotse niya tapos may inabot na puting mukhang sobre. 

Lalapitan ko na sana para itanong kung ayos lang siya dahil bigla siyang umiyak pero mabilis siyang sumakay sa kotse niya at kaskaserong nagmaneho. Napailing na lang ako.

It’s no longer part of your job as a waitress Vixen, don’t meddle in their lives. I smiled before going back to work. 

Weeks passed, nasanay na ako sa trabaho sa hospital. Hindi rin ako nakaramdam ng pagsakit ng ulo ko, bagay na sabi ng doktor ay magandang senyales. 

Nasa mall kami ni Ate Ayi dahil kailangan naming mamili para sa mga ingredients sa restaurant at kung suswertehin ka nga naman, nandito rin sa vegetable section iyong apat. 

Makalipas ang apat na buwan ngayon ko na lang ulit sila nakita. Si Kai, si RK, si Kira at si Crush. Ano ba kasing pangalan nito ni Kennedy slash green eyes?

Parang ang sarap maging detective sa mga ganitong panahon. Pero nandito ako para sa talong na gulay at hindi iyong isang klase ng talong.

Tumayo sa tabi namin si Kennedy tapos iniangat iyong talong. Teka naman, ang lapit niya masyado. Amoy na amoy ko iyong pabango niya, matapang pero hindi masakit sa ilong. 

“Eggplant is needed right?” Tanong niya. Marunong ba silang magtagalog? Parang masakit naman sa ulo makasama ang mga ito, parang duduguin ka ng wala sa oras.

Pero sabagay, mostly naman ng mga rich kids, if not English speakers are conyo. Ma’am Maurice, Kuya Vaughn and Ma’am Maureen are good examples.

“Ask your lovey, she loves eggplant.” Sa boses pa lang alam ko ng si Kai iyon. Hindi ko alam pero kahit hindi ko kita ay sigurado akong siya iyon. Kumuha ako ng dalawang talong na makinis at inilagay iyon sa cart namin.

“Well, should I asked Miss A if we need eggplant if we’re going to cook—”

“Kennedy fuck off.” Buong pangalan naman diyan o kahit palayaw nalang kung ‘di talaga kaya.

“Miss A, who?” Makahulugang tanong ni Kira.

“Alagad ng sining,” sagot ni Kennedy, mukhang hirap siya magtagalog. 

“Kennedy, what the hell?” Sungit talaga ng isang ito.

Kanina pa kami rito sa mga talong dahil masyadong masungit ang boss namin. Kailangan lahat ng gulay na makukuha namin ay fresh at walang sayang dahil pagdating namin sa restaurant ay iche-check niya pa iyan lahat.

Hindi naman siya intsik pero masyado siyang mabusisi. Sabi nga niya, kalusugan ng mga costumer ang nakasalalay kaya dapat maayos ang kalidad ng mga rekado namin.

“Bro kaya ka iniwan ni Maurice, mga banat mo corny.”

“Ayos na iyong iniwan na may closure kaysa naman sa na-ghost ng four years then here she is now, back like she never knew you exist.” 

“That’s foul. Zyan texted me, yeah we needed eggplant.”

“Okay. Talong, bakit nga hindi pinansin si Kai after he was ghosted for too long?”

silhouettes of the past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon