CHAPTER 8
“Ouch! Are you stupid?” Aligaga akong napakapkap sa bulsa ko matapos kong mabunggo ang isang customer.
Hindi ko naman siya nakita diyan kanina. Matapos kong makuha ang panyo ko ay tinangka kong pinasan ang nabasa niyang blusa. Mukha pa namang mamahalin.
“Sorry po!”
Maka-are you stupid naman ang isang ito e siya nga ang hindi nakatangin sa nilalakaran niya. Ngayon niyo sabihin sa aking customer is always right. Bibigwasan ko kayo.
“Ano ba?!” Galit na saad niya kasabay ng mabilis niyang pagtabig sa kamay ko. “Nasaan ba ang manager niyo rito?”
Napaka-arte naman, sa akin nga mas maraming nabuhos siya pa tatawag ng manager?
“Sorry po, sorry po!” Paulit ulit kong saad kinakabahan akong nagbaba ng tingin, saan na ako nito pupulutin? Hindi ako pwedeng matanggal sa trabaho ko.
“Vi! Anong nangyayari rito. Miss, ayos ka lang ba?” Tanong sa akin ni Ate Ayi.
“Are you the manager?” Saad noong babae pero umiling si Ate Ayi.
“What the hell? I said I need to talk to your manager! Bakit ikaw ang lumabas?”
“Excuse me.” Napatitig ako sa babaeng lumapit.
Maganda siya, matangkad, kutis porselana, hanggang balikat ang bagsak nitong buhok na makintab at naka suot ito ng isang kulay puting jacket at puting shorts nakapares sa kaniyang itim na de-ipit na tsinelas. Normal na normal pero nagsusumigaw ang pagiging elegante niya.
Sobrang pamilyar ng mukha niya, hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita noon.
“And who are you? If you’re not the manager get lost.”
“Why not you? You know it’s a public place and she already apologized, besides it was your fault.” Masungit na sambit noong babaeng maganda.
Imbes na isipin ang kahihinatnan ko matapos ang lahat ng ito, iniisip ko kung saan ko siya nakita noon. Kung kailan ko narinig ang boses na iyon at bakit ganito ang epekto sa akin ng presensiya niya.
Para bang kilala ko na siya noon pa man pero hindi ko maisip kung kailan ko siya nakilala.
“Huh?!” Inis na saad nito bago itinuro ang sarili. “Do you know me?”
Napangiti naman si Ate na maganda. “I don’t give a damn even if you own the whole Philippines. My concern here, is the waitress. Not your identity.”
“Boba ka pala! I’m Nicola Estrañero, does it ring a bell? I’m a model and yet binabastos niyo ako? Is this how you treat your kababayan? Galing pa akong US pagod ako—”
“That’s why you’re grumpy. The fact that you’re tired you should’ve rest. But here you are, bragging about your fame I had no knowledge. And you’re a model?” Nakakapanuyang sambit noong babae. “You should be cancelled.”
Napasinghap ang mga taong nakarinig, nandito na rin ang lahat ng nasa kusina kanina, naantala na namin ang lahat.
“WHAT? YOU BITCH!” Pagsugod nito pero may kumislap kaya mabilis itong napatigil. Camera yata.
Pinatunog ng babaeng maganda ang kaniyang daliri at sa isang iglap lang may mga lalaking naka-itim ang lumapit at nakiusap sa mga kumukuha ng pictures at video.
“I am not, but you. The mere fact that you are using derogatory words to call people you just met is already a proof. And as far as I know, models are influencers. How will you be able to influence people for. . . What’s that?” Nagpanggap siyang nag-iisip.

BINABASA MO ANG
silhouettes of the past | ✓
RomancePHOENIX SERIES II 𓆩♡𓆪 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their fate is? Will...