“Anak, tara.” Saad ni Mama noong matapos kong kausapin ang media, tumango naman ako kay Mama kahit hindi ko alam kung saan ba kami pupunta.
Sa wakas nakuha na rin namin ang hustisya na nais namin. Nakasakay na kami rito sa loob ng van ko papunta sa lugar kung saan. Nandito rin sina Seah, Rinna, Jec at Deana.
Kanina pa sila nagkakilala ni Mama kaya naman medyo hindi na awkward ang atmosphere. Sina Lex at Jaz naman ay ayaw humiwalay kay Mama, traumatized na yata dahil sa nangyari. Ayaw nang bitawan si Mama.
Kahit naman siguro ako ay ganoon rin ang magiging reaksiyon ko lalo pa’t batang bata pa lang sila noong panahong iyon. Hindi ko sila masisi. Horror engulfed me upon noticing the familiar road we are taking.
“Ma! Hindi naman tayo pupunta kina Caren ‘di ba?” Histerikal na sambit ko. Ngumiti si mama bago inabot ang mga kamay ko.
“Anak ito na ang panahon para ibalik natin ang malaking pabor na ginawa ng mahusay na abogadong iyon.” Sambit ni Mama. Nangunot ang noo ko dahil naguguluhan ako.
“Bakit ‘Ma? May dapat po ba kaming malaman?” Tanong ni Lex.
“Iyong abogado kanina, alam kong habang ipinagtatanggol niya ako, sobra sobra na siyang nasasaktan. At pagdating natin sa bahay nila Caren, mas masasaktan pa siya. Mahihirapan akong ipaliwanag ng buo kaya mas mabuti nang makita niyo.”
“May kaugnayan ba sina Kaiden at Caren sa isa’t isa ‘Ma?” Tanong ko.
“Mayroon anak, malaki.” Sambit ni Mama, napalunok ako, kaya naman pala ganoon ang paraan nila ng pag-uusap noon.
“Anong kinalaman nila sa isa’t isa, ‘Ma?” Tanong ko pa.
“Doon mo na malalaman. Basta ang masasabi ko lang sa iyo. Rendahan mo ang puso mo anak, hindi madali itong napasok mo.” Saad ni Mama kaya naman mas dumagundong ang kalabog ng dibdib ko.
Sinilip ko pa ang likuran nangangamba kung mayroon bang nakasunod sa amin. Mabuti na lamang at wala dahil nakasunod din sa amin ang mga bodyguards na inupahan kong magbantay sa mga kapatid ko.
“‘Ma. . .” Hindi ko alam ang dapat na isunod ko. Naba-blangko na ang utak ko. Malayo pa ay kita ko na ang malaking mansion nina Caren.
Isolated naman ang lugar na ito, mukha ngang sila lang ang nakakaalam nito dahil tanging ang mansion lang nila ang nakikita kong nakatirik sa lugar. Bagay na hindi ko maintindihan kung paano ako nahabol nang mga reporters noon.
“Malalaman mo na ngayon kung paano kayong dalawa naging konektado, sa pinakamasakit na paraan.”
Napatingin na lang ako sa kaniya, nilalamon ako ng takot para sa mga bagay na maaari kong makita o marinig. Ito na ba iyon?
The silhouettes of our past slowly glowing darkly because the moon shines brighter?
Bumaba kami ng van at halos kasabay ko pang pumasok iyong kapatid ni Kaiden. Iyong may mahabang buhok at palaging nakalugay.
She seemed to be in a hurry and when we set our foot on their main door, a banging sound from something that has broken welcomed us.
His other sister was standing in the middle, staring daggers at Caren and Andrew who are still on the stairs.
Sa gilid noong kapatid ni Kaiden na palaging naka-bun, nagsabog ang mga basag na piraso ng bubog, dumudugo rin ang kutis porselana niyang braso, mukhang tinaman ng vase.
“Kaori. What is your problem woman?” The girl with the long wavy hair asked calmly, she went to her sister to wiped the blood.
“Get out of my house! I don’t need you here! Isama mo ang walang utang na loob na babaeng iyan!” Galit na saad ni Caren habang nakaturo sa babaeng naka-bun.
BINABASA MO ANG
Silhouettes of the Past | ✓
RomancePHOENIX SERIES 2 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their fate is? Will she sti...