Hindi ako na-late sa trabaho kahit pa tanghali na kami bumangon kanina. Abala ako sa pag-se-serve at mabuti na lang dahil ayaw ko silang makausap tungkol sa bagay na pinagtalunan namin kahapon.
There was a message from Kai telling me to list down those six things I want to do for the first time. I have a lot to write but I chose the things I can do with him.
1. Going to a carnival
2. Watching the sunset by the beach
3. Going to an art museum
4. Try painting
5. Watch the concert of my favorite PPop Group, Live
6. Visit my mom
Madali lang naman iyan. Nakangiti ako nang ipadala ko sa kaniya ang listahan niyang iyan at halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang list niya. Sinampal na naman ako ng kahirapan.
1. Go to that tiangge
2. Eat in a fastfood chain / or simply street food
3. Paraglide
4. ______
5. Wander around a place where I can’t see tall buildings and busy roads but green mountains and simple life
6. Visit EverMore Park
Kumunot ako, bakit blanko ang number four niya at saan ang number five?
Kasi kung iisiping mabuti mukhang hindi naman dito sa Pilipinas ang gusto niyang puntahan. Nang magtanong naman ako sa kaniya ay sabi niya wala pa raw siyang maisip sa ngayon kaya blangko muna. Hindi ko na inusisa.
“Nat! May sundo ka,” anunsiyo ko. Tapos na ang trabaho namin at nagkukumpulan na naman sila sa likod para magtsismisan.
Pinanood ko siyang lumapit sa boyfriend niya, magkahawak kamay silang naglalakad hanggang sa sumakay sila sa paparaang jeep.
Tinignan ko ang mga kasamahan ko, bumalik na sila sa pagkukwentuhan. Balewala lang sa kanila na may boyfriend na si Natalie, hindi rin sila nagbigay ng kahit na anong komento. Maging kay Eureka na sinundo ng lalaking naka Honda click ay tahimik sila.
I guess, I am the only exemption, huh? Tinapik ko lang ang balikat ni Ate Ayi nang makita ko ang pagparada ng kulay silver na kotse sa labas. Tumango siya sa akin at nakangiting nagpaalam.
“Let’s go and mark your first to visit list—done,” bungad niya nang makasakay ako. Ngayon na kaagad? Pero wala naman akong nagawa dahil humarurot na siya.
Ngayon lang ako magpupunta rito, o baka naman hindi ito ang una pero dahil wala naman akong maalala ay siguro naman exemption na ito.
Nakangiti kong pinagmamasdan ang buhay na buhay na carnival. Ang malaking tsubibo sa ‘di kalayuan na binibigyang kulay ng mga kulay rosas na ilaw. Ang roller coaster na ngayon ay nakabaliktad na. . .
Sinundan ko ng tingin ang lahat hanggang sa maramdaman ko ang marahang pagsasalikop ng mga kamay namin. Ang mahahabang daliri niya ay nasa pagitan ng mga daliri ko.
Nahiya pa ako sa simula dahil baka maramdaman niya ang mga kalyo ko sa palad pero nawala iyon ng maramdaman ko ang gaan ng paghawak niya. Walang pakialam kung makapal ang balat ko, ang mahalaga ay mahawakan ako. Napangiti ako lalo, ang mga kalyong iyon ang patunay na nagsisikap ako na mabuhay.
“Doon naman tayo!” Tinuro ko ang roller coaster pero mabilis siyang umiling. Halos panawan na siya ng kulay.
Sinunod-sunod ba naman namin ang mga extreme rides, nagsimula kami sa vikings, tapos doon sa single swings na umiikot habang nasa ere kayo at katatapos lang namin doon sa tower na dahan dahan kang iaangat tapos biglang ibabagsak.
BINABASA MO ANG
Silhouettes of the Past | ✓
RomancePHOENIX SERIES 2 Vixen has always been smitten by the brown eyed Chinito; despite losing her memories, she still ended up drowning in Kai's love. But will she still be able to grasp that love after discovering how tangled their fate is? Will she sti...