13

7 3 0
                                    

Hindi na ako lumabas matapos kong kumain. Hindi ko rin kinausap sina Nathalie at Ate Ayi, dumaan din sina Eureka pero wala akong kinausap ni isa.

Nahahapo talaga ako at ayaw kong bumangon, mabigat pa rin ang aking pakiramdam kaya naman minabuti ko nang mahiga na lang.

Bumabangon ako after four hours dahil may iniwan si Kaiden na maliit na parang chart, nakasulat doon ang klase ng gamot at oras kung kailan ko ito dapat inumin.

Naka-set din ang alarm clock sa mga nasabing oras. Noon ko lang napansin na mayroon palang mga prutas sa bangkuan.

Don’t know how can I communicate with you but hope after three days or four you’ll be fine. Eat healthy food, always. - EKVL

Kinuha ko ang orage at binalatan iyon. Mapangit ang lasa pero ito talaga ang paborito kong prutas. Ganito talaga kapag may sakit. Pero mabuti ngayon dahil noon kapag nagkakasakit ako ay diretso ako sa hospital.

Kaya sobrang kahirapan din ang dinanas namin dahil pa lang sa mga hospital bills ko. Mabuti na lang ngayon ay hindi na ganoon ang kaso ko.

Mas inaalagaan ko na ang sarili ko ngayon pero dahil naambunan ako kahapon ay nilagnat ako.

At night Ate Ayi called me to eat with them so I went out. Ayaw ko rin namang iparamdam sa kanila na naiinis ako dahil lang sa paraan ng paghusga nila kay Kaiden. Maybe it was just their caring nature.

Ang masama mo pa, Natalie doesn’t seem to remember Kai. Or maybe she is unaware about us. Maybe.

Tahimik lang akong kumakain hindi binibigyang pansin ang presensiya nila pero pumasok bigla sina Eureka, Zyeus at Zach. Bakit nandito na naman sila? Pero nanatili ang aking atensiyon sa aking plato.

“Vi, kumusta ka na?” Tanong ni Eureka.

“Better,” sambit ko bago muling sumubo. Masarap magluto si Ate Ayi pero hindi ko malasahan ngayon.

Bakit kaya kapag may sakit tayo iba ang nagiging panlasa natin? Ang matamis ay nagiging mapait.

Parang siya, sa una sweet but will eventually leave you in bitterness.

I sighed, ano ba namang naiisip ko? Mukhang napansin nila ang kinilos ko kaya naman napatingin sila sa akin. Umiling na lang ako bago uminom. 

“Hindi muna ako papasok bukas. Magpapahinga ako baka kasi makasama kapag pinilit ko.” Saad ko na mabilis nilang sinang-ayunan.

“Oo naman, kailangan mo munang makabawi ng lakas. Mukha naman pating sarado tayo bukas dahil nga signal number three tayo. Kumusta kaya sa probinsiya niyo?” Tanong ni Ate Ayi.

Napakurap-kurap ako pero hindi naman ako kinakabahan, sa mga ganitong panahon alam ko kung saan ko hahanapin ang mga kapatid ko. At doon alam kong malayo sila sa peligro.

“Okay lang naman iyon sina Lex. Sila Nanay ang inaalala ko. ” Napatingin ako kay Natalie. Malapit nga pala sa ilog ang kanilang bahay kaya nakakatakot kapag bumabaha.

“Hindi naman siguro babaha at kung sakali man, kanina pa may kumatok dito na galing sa Sta, Catalina.” Sambit ko, ganoon naman palagi. Pumupunta dito ang ilan sa mga tauhan sa Casa Alextre, ganoon sila kababait na mga tao. Kulang na lang ay ampunin kami.

“Malayo ba ang probinsiya niyo?” Tanong ni Zyeus, tumango kami ni Natalie, para makauwi kinakailangan naming sumakay ng bus mula dito at pagdating sa bayan ay sasakay kami ng jeep dahil iyon lang naman ang tanging transportation na nakakapasok sa Sta. Catalina. 

Pwede ang mga kotse at motor pero kung mahirap ka at hindi mo afford ang mga ganoon ay kailangan mong sumakay sa jam-packed na pampasaherong jeepney.

“Na-excite tuloy akong makita, sasama ako next time ha?” Tumango lang ako kay Eureka, kung sakali man, siya ang unang taong isasama ko sa lugar na iyon.

Silhouettes of the Past | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon